Team Payaman Wild Dogs, Nagbalik Tanaw sa Kanilang Active Vlogging Era

Sa bagong YouTube upload ng Team Payaman member na si Aaron Macacua, a.k.a Burong, ibinahagi niya ang misyon na magbalik loob ang mga kapwa TP members sa pagba-vlog sa pamamagitan ng simpleng pagbigkas ng kanilang sariling mga vlog intro. 

Burong’s Motivation

Inamin ni Burong sa simula ng kaniyang video ang pagka-miss sa panonood ng mga vlogs ng kapwa Team Payaman members, pati na rin ang panahon ng masaya at sama-samang pagbuo ng samu’t saring mga content.

Aniya ay i-ilan na lamang sa kanila ang tuloy-tuloy pa rin ang upload dahil na rin sa pagbabago ng kanilang mga prayoridad sa buhay.

“Pero syempre, kasabay ng pagbabago ng panahon, kasabay noon ‘yung pagbabago ng priorities ng bawat isa, sa pamilya, sa anak, sa negosyo, at sa marami pang bagay,” ani ni Burong. 

Subalit, hindi pa rin naman nawawalan si Burong ng pag-asa na muling magbabalik ang Team Payaman sa kanilang active vlogging era. 

Kaya naman gumawa siya ng paraan upang ipa-alaala sa mga ito ang pakiramdam ng pagiging isang ganap na vlogger.

Legendary Intro

Binisita at inimbita ni Burong ang kapwa niyang mga Team Payaman Wild Dogs na magbalik tanaw sa kanilang vlogging era sa pamamagitan ng pagbanggit ng kanilang mga iconic lines. 

Unang binisita ni Burong si Marlon Velasquez Jr., a.k.a Junnie Boy, na kilala sa linyang “Boy, meron akong kwento!” 

Sunod namang binisita ni Burong si Jaime Marino de Guzman, a.k.a Dudut Lang All Around. Ipinaliwanag naman ni Dudut na short-form cooking reels na sa Facebook at Instagram ang kaniyang pinagkaka-abalahan sa ngayon. 

Magkasama namang pinuntahan nina Burong at Dudut si Exekiel Christian Gaspar, a.k.a Boss Keng, sa kaniyang kwarto at pinabanggit ang kaniyang intro  na “What’s up sa inyo, mga Boss-Madam. It’s your boy, Keng!”  

Huli nilang na-ambush interview si Lincoln Velasquez, a.k.a Cong TV, na matapos ang ilang subok ay saka niya tuluyang nasabi ang kaniyang legendary at high energy intro na “What’s up sa inyo, mga Paa!”

Hindi napigilan mapansin nina Burong at Boss Keng ang pagiging mas mahiyain ni Cong sa pagsasalita sa harap ng camera matapos ang tatlong buwan nitong walang bagong vlog upload.

Subalit, pinagpasalamat pa rin ni Burong ang partisipasyon ng kapwa niyang TP Wild Dogs. 

“Okay na ‘yon, at least naaalala nyo na ‘yung pakiramdam nung parang nagba-vlog kayo ulit,” mensahe ni Burong sa kanila.

“Oo nga, one at a time lang. Syempre, nagpapasalamat ako sa’yo na dinaan mo ‘ko dito. Parang ang sarap pala [balikan],” ani naman ni Cong.

Watch the full vlog here:

Alex Buendia

Recent Posts

Celebrate Cong TV’s Birthday With Team PYMN Clothing’s Newest ‘Lincoln Club Collection’

Team Payaman Fans, get ready for another exciting streetwear drop! Cong TV’s apparel brand, Team…

15 hours ago

Team Payaman’s PAAWER Couple CongViy Battles Celebrity Loveteam JoshLia in ‘Kusina Wars’

Isang nakakakilig na episode ang hatid ni Viy Cortez-Velasquez sa kanyang “Kusina Wars” vlog matapos…

1 day ago

Viy Cortez-Velasquez Takes House Angels To A Delicious Food Adventure With Kidlat and Tokyo

Isang masayang food adventure ang hatid ni Mommy Viy Cortez-Velasquez kasama ang mga house angels…

2 days ago

VIEN DIARIES: Vien Iligan-Velasquez Takes Viewers To A Quick Pickleball Serye in Cebu

Isang Cebu adVIENture ang hatid ni Vien Iligan-Velasquez matapos nilang dumayo sa nasabing probinsya upang…

2 days ago

Ready to Feel the Beat? Why Team Payaman Fair 2026: VIYond The Beat Should Be on Your Holiday Bucket List

For fans who have spent years watching their favorite Filipino content creators through vlogs, livestreams,…

2 days ago

Cong TV and Viy Cortez-Velasquez Become the New Faces of MARSTEK Philippines

Panibagong endorsement ang hatid ng Team Payaman PAAWER Couple na sina Cong TV at Viy…

2 days ago

This website uses cookies.