Team Payaman Wild Dogs, Nagbalik Tanaw sa Kanilang Active Vlogging Era

Sa bagong YouTube upload ng Team Payaman member na si Aaron Macacua, a.k.a Burong, ibinahagi niya ang misyon na magbalik loob ang mga kapwa TP members sa pagba-vlog sa pamamagitan ng simpleng pagbigkas ng kanilang sariling mga vlog intro. 

Burong’s Motivation

Inamin ni Burong sa simula ng kaniyang video ang pagka-miss sa panonood ng mga vlogs ng kapwa Team Payaman members, pati na rin ang panahon ng masaya at sama-samang pagbuo ng samu’t saring mga content.

Aniya ay i-ilan na lamang sa kanila ang tuloy-tuloy pa rin ang upload dahil na rin sa pagbabago ng kanilang mga prayoridad sa buhay.

Pero syempre, kasabay ng pagbabago ng panahon, kasabay noon ‘yung pagbabago ng priorities ng bawat isa, sa pamilya, sa anak, sa negosyo, at sa marami pang bagay,” ani ni Burong. 

Subalit, hindi pa rin naman nawawalan si Burong ng pag-asa na muling magbabalik ang Team Payaman sa kanilang active vlogging era. 

Kaya naman gumawa siya ng paraan upang ipa-alaala sa mga ito ang pakiramdam ng pagiging isang ganap na vlogger.

Legendary Intro

Binisita at inimbita ni Burong ang kapwa niyang mga Team Payaman Wild Dogs na magbalik tanaw sa kanilang vlogging era sa pamamagitan ng pagbanggit ng kanilang mga iconic lines. 

Unang binisita ni Burong si Marlon Velasquez Jr., a.k.a Junnie Boy, na kilala sa linyang “Boy, meron akong kwento!” 

Sunod namang binisita ni Burong si Jaime Marino de Guzman, a.k.a Dudut Lang All Around. Ipinaliwanag naman ni Dudut na short-form cooking reels na sa Facebook at Instagram ang kaniyang pinagkaka-abalahan sa ngayon. 

Magkasama namang pinuntahan nina Burong at Dudut si Exekiel Christian Gaspar, a.k.a Boss Keng, sa kaniyang kwarto at pinabanggit ang kaniyang intro  na “What’s up sa inyo, mga Boss-Madam. It’s your boy, Keng!”  

Huli nilang na-ambush interview si Lincoln Velasquez, a.k.a Cong TV, na matapos ang ilang subok ay saka niya tuluyang nasabi ang kaniyang legendary at high energy intro na “What’s up sa inyo, mga Paa!”

Hindi napigilan mapansin nina Burong at Boss Keng ang pagiging mas mahiyain ni Cong sa pagsasalita sa harap ng camera matapos ang tatlong buwan nitong walang bagong vlog upload.

Subalit, pinagpasalamat pa rin ni Burong ang partisipasyon ng kapwa niyang TP Wild Dogs. 

Okay na ‘yon, at least naaalala nyo na ‘yung pakiramdam nung parang nagba-vlog kayo ulit,” mensahe ni Burong sa kanila.

Oo nga, one at a time lang. Syempre, nagpapasalamat ako sa’yo na dinaan mo ‘ko dito. Parang ang sarap pala [balikan],” ani naman ni Cong.

Watch the full vlog here:

Alex Buendia

Recent Posts

Cong TV Brings Holiday Joy Through Special Home Giveaways with Team Payaman

Isang maagang pamasko ang hatid ng Team Payaman headmaster na si Cong TV sa isang…

12 hours ago

Day 1 Recap: Viyline MSME Caravan Celebrates Its 11th Leg this 2025 at SM Center San Pedro

The Viyline MSME Caravan officially opened its doors at SM Center San Pedro, marking the…

1 day ago

Team Payaman’s Kevin Hermosada Opens Up About His Ear Surgery in Latest Vlog

Kamakailan, matapang na ibinahagi ng Team Payaman vlogger na si Kevin Hermosada ang personal at…

2 days ago

Viyline MSME Caravan Brings Festive Fun to SM Center San Pedro

​ The most wonderful time of the year is starting early! Prepare for a burst…

3 days ago

Team Payaman and Team Harabas Go Night Dive Spear Fishing in Occidental Mindoro

Isang kakaibang biyahe ang hatid ng Team Payaman vlogger na si Boss Keng sa kanyang…

3 days ago

Clouie Dims and Pat Pabingwit Take On the ‘One Shot, One Makeup’ Challenge

Mas naging masaya at mas makulit ang bagong vlog ni Clouie Dims matapos niyang makasama…

4 days ago

This website uses cookies.