Heartfelt Messages Pour In for Vien Iligan-Velasquez This Mother’s Day

Sa nagdaang pagdiriwang ng Mother’s Day, isang makabuluhang mensahe ang ibinahagi ni Vien Iligan-Velasquez habang buhat-buhat niya si Baby Ulap.

Tunghayan ang mga nakakaantig na mensaheng natanggap ni Mommy Vien mula sa mga netizens.

Hopeful Mother’s Day Message

Agad na umantig sa puso ng maraming tagahanga ang TikTok post ni Mommy Vien habang buhat ang pamangkin na si Baby Ulap, anak nina Mommy Pat Velasquez-Gaspar at Exekiel Christian Gaspar, a.k.a Boss Keng

Sa kanyang post ay isinulat niya: “Trusting that the right time will come to welcome new life. Happy Mother’s Day”

Marami ang nagpaabot ng kanilang mga mensahe ng suporta at pag-asa, at ilan ay umaasa na siya na ang susunod na mabiyayaan ng isa pang anak—ang kanyang pangatlo.

Hindi naman nag-atubiling tumugon si Vien sa mga komento. “Sana. Sana sa susunod okay na siya, hindi na siya bawiin sa amin,” emosyonal n’yang sagot.

Touching Comments

Matapos ang emosyonal na pahayag ni Mommy Vien, agad na umapaw ang suporta mula sa mga netizens. Marami ang nagbahagi ng kanilang pakikiramay, panalangin, at pag-asa para kay Vien. Narito ang ilan sa kanilang mga mensahe:

Ghesryyy.ü: “Omg, so sorry for your loss, Vien. Babalik siya.”

Jellibee: “Sending baby dust!  Sa mga mommy na humihiling na magka-baby.”

Ash: “Warm hug Madam Vien, your angel baby will come back.”

Kenn Cabb: “Kaya guys, please—maging mabuti tayo sa kapwa natin sa lahat ng pagkakataon. Hindi natin alam ang pinagdadaanan ng ibang tao. Yung iba, nakangiti lang, pero may mabibigat na dalahin na sila lang ang may alam. Sending virtual hugs!”

Mica Liza: “Keep the faith, Mommy Vien! Your strength inspires us all. God bless your family.”

 Yana Labs: “Napakalakas mo, Madam Vien. ”

Watch the full video below:

Carmellie Ocampo

Recent Posts

Viyline and SMX Join Forces for TP Kids Fair and Team Payaman Fair 2026

The Viyline Group of Companies (VGC) is officially ready for a huge 2026. In a…

8 hours ago

Team Payaman’s Kevin Hermosada Drops New Single, ‘Disney’

Kamakailan, opisyal nang inilabas ng singer-songwriter at content creator na si Kevin Hermosada ang kanyang…

19 hours ago

Pat Velasquez-Gaspar Explores Ocean Park Hong Kong’s Sanrio Activation

Isang masaya at hindi malilimutang Ocean Park Hong Kong experience ang hatid ni Pat Velasquez-Gaspar.…

3 days ago

Dudut Lang Shares an Easy French Toast Grilled Cheese Recipe

Muling nagbahagi ng isang simple ngunit makabagong recipe ang Team Payaman cook na si Jaime…

3 days ago

Team Payaman Editors Begin a Shared Journey in Their New Home

Mula sa pagiging kasamahan sa trabaho, ngayon ay magkakasama na sa iisang tirahan ang ilang…

3 days ago

CONTENT WARS: Junnie Boy Teams Up With Burong and Bok Against Boss Keng

Matapos ang unang yugto ng content wars nina Junnie Boy at Boss Keng, isang plano…

3 days ago

This website uses cookies.