Anti-Higad Squad Core: Unforgettable AHS Moments That’ll Make You LOL

Isa ka rin ba sa mga sumubaybay sa YouTube livestream era ng Team Payaman vlogger na si Viy Cortez-Velasquez

Malamang ay isa ka rin sa mga nakaka-miss sa livestream buddies nito na tinawag na AHS o “Anti-Higad Squad. Balikan natin ang mga masasayang alaala ng barkadang ito na binubuo ng Team Viviys. 

Birth of AHS

Ang Anti-Higad Squad ay nabuo noong Agosto 2024 matapos dapuan ng higad sina Viviys at ang kanyang secretary na si Pat Pabingwit sa kalagitnaan ng kanilang pamimili sa isang convenience store. 

Matapos ang insidenteng ito ay pursigido ang grupo maging ‘Anti-Higad’ sa pamamagitan ng pagsusuot ng matching turtle-neck tops at iba pang long-sleeve gears.

Meme-filled Trip & Challenges

Mula dito at sa demand ng mga manonood, itinuloy na ng Team Viviys ang kanilang livestream sessions laman ang samu’t saring trip ng grupo sa labas at loob ng bahay. 

Isa na nga dito ay ang kanilang early Halloween night out habang suot ang mga inflatable costumes na may iba’t ibang disenyo.

Maalala rin ang pagbisita ng grupo sa hometown ng ama ni Viviys noong kasagsagan ng Kamuy-an Festival at tinawag nila itong ‘AHS Bicol Chapter’.

Isa rin sa ikinatuwa ng mga netizens ay ang mga chill sit-down livestream ng AHS sa bahay kung saan sila ay nanonood lang at nagre-react sa mga old YouTube videos ng Team Payaman. 

Dito rin isinilang ang kanilang mga interactive challenges kagaya ng laughtrip na ‘Bawal tumawa challenge,’ kung saan naglaban-laban ang mga supporters na patawanin ang AHS Squad sa pamamagitan ng pagpapadala ng mga memes para sa libreng Team Payaman Fair 2024 tickets. 

Sa halos apat na buwan ng livestream bonding adventure ng AHS, nabuo ang iba’t ibang klase ng relasyon gaya na lang ng sibling core nina Viviys at ng kaniyang editor na si Carlo Santos at syempre ang #PatAga loveteam.

#PatAga Love Team

Maliban sa mga meme-able content, isa sa pinaka-tumatak sa mga netizens ay ang kilig na hatid ng tambalang #PatAga na kinabibilangan nina Pat at TP Editor na si Agabus Maza.  

End of an Era

Nitong nakaraang buwan lamang, magkasunod na ibinahagi nina Pat at Agabus ang kanilang despedida party kasama ang Team Payaman Squad bago sila tumahak ng panibagong landas ng kanilang mga buhay. 

Ano ang iyong paboritong Team AHS moment? Ibahagi na ‘yan sa comment section mga Kapitbahay!

Alex Buendia

Recent Posts

Bring Your Family and Creativity Together This Christmas with TP Kids

The holiday season is all about creating joyful memories with family, and TP Kids has…

12 hours ago

Vien Iligan-Velasquez Shares Snippets of Mavi’s 7th Birthday Celebration

Sa bagong vlog ni Vien Iligan-Velasquez, ibinahagi niya ang emosyonal at masayang selebrasyon ng ika-pitong…

23 hours ago

Viy Cortez-Velasquez Challenges Sexbomb Girls in Kitchen Showdown

Hindi hatawan sa dance floor, kundi hatawan sa kusina ang hatid ng Team Payaman vlogger…

23 hours ago

Netizens Giggle Over Kidlat and Viela’s Cute Bonding Moments

Good vibes at ‘balls of sunshine’ kung tawagin ang magpinsan na sina Alona Viela at…

23 hours ago

Buy More, Slay More with Viyline Cosmetics’ Exclusive Holiday Lip Treat

It’s the season to be festive, and your makeup look should reflect the joy and…

23 hours ago

Ivy Cortez-Ragos Shares Easy Wais-Linis Hack with Twice Cleaner

Sa kanyang bagong vlog, ibinahagi ni Ivy Cortez-Ragos ang isang praktikal at wais na DIY…

2 days ago

This website uses cookies.