Doc Alvin’s Secret to Younger-Looking Skin, Revealed!

Hindi na lingid sa ating kaalaman ang mga hamon na kinakaharap ng ating balat araw-araw. Ang nakakapagod na trabaho, ang bagsik ng sikat ng araw dito sa ating bansa, at ang stressful na kapaligiran ay ilan lamang sa mga dahilan kung bakit tila nangungulubot at nawawalan ng glow ang ating kutis.

Sa bagong YouTube vlog ni Doc Alvin Francisco, ibinahagi niya ang mga kaalaman upang tayo’y tulungan na makamit ang younger-looking skin, kahit pa nasa gitna ng ating busy na pamumuhay.

Meet Juliet: Relate Ka Ba?

Sa simula ng kanyang vlog, ipinakilala ng resident TP doctor na si Doc Alvin si Juliet, isang karakter na tiyak na makare-relate ang marami sa atin. 

Siya’y isang breadwinner na walang humpay ang trabaho at palaging nakababad sa init ng panahon. Tulad ng marami, napansin ni Juliet ang hindi magandang pagbabago sa kanyang balat: lumitaw ang mga wrinkles at fine lines, at tila pagod na pagod ang kanyang itsura.

Kaya naman, handog ni Doc Alvin ang mga napakahalagang tips upang masolusyunan ang mga problemang ito sa balat na karaniwan nating nararanasan. 

Ibinahagi ni Doc Alvin ang ilan sa mga nakagawiang gawain ni Juliet na siyang nagdudulot ng paghina ng kanyang balat. 

Kabilang dito ang pagpupuyat, walang sapat na proteksyon sa araw, ang hindi paggamit ng sunblock, at ang pagkahilig sa matatamis bilang stress reliever.

“Kung mapapansin ninyo, ‘yung mga hobbies ni Juliet talaga ang nagc-cause kung bakit siya nagiging dull at tumatandang tingnan,” paliwanag ni Doc Alvin.

Hindi rin nakaligtas sa talakayan ang kahalagahan ng sapat na pag-inom ng tubig. Ayon kay Doc Alvin, ang hydrated na balat ay mas matibay at mas resistant sa mga skin damage.

Why & How?

Ayon kay Doc Alvin, ang pagbibilad sa araw, dehydration, kakulangan sa nutrisyon at tulog, at pagkakaroon ng bisyo ang ilan sa mga sanhi ng pagkakaroon ng premature skin aging.

Binigyang-diin naman niya ang mga simple ngunit epektibong paraan upang labanan ang mga ito kagaya ng pagkakaroon ng kumpletong tulog, pag-iwas sa matinding init ng araw, pagkakaroon ng skincare routine, at pagkain ng masustansyang pagkain.

Kapitbahay, Glow Up Na!

Bilang mahalagang paalala, pinaalalahanan ni Doc Alvin ang lahat na huwag mag-self-medicate kung mayroon silang kondisyon sa balat at laging kumunsulta sa isang mga propesyonal.

Sa huling parte video, ipinakita ang resulta ng pagsunod ni Juliet sa mga healthy tips ni Doc Alvin at kapansin-pansin ang pagbabalik ng natural na glow ng kanyang balat!

Kaya mga Kapitbahay, kung nais ninyong makamit ang malusog at younger-looking skin sa kabila ng ating abalang pamumuhay, huwag palampasin ang pinakabagong video ni Doc Alvin Francisco! 

Watch the full vlog below:

Angel Asay

Recent Posts

AdVIENture in Tanay: Vien Iligan-Velasquez Drops the Ultimate Tanay, Rizal Travel Guide

Isinama ni Vien Iligan-Velasquez ang mga manonood sa Tanay trip ng kanilang pamilya sa kanyang…

2 days ago

Ninong Ry, Cong TV, and Junnie Boy Go On A Fun Offroad Adventure in Pampanga

Isang masaya at hindi malilimutang offroad adventure ang hatid nina Ninong Ry, Cong TV, at…

2 days ago

Team Payaman’s Kevin and Abigail Hermosada Announce Pregnancy

Isang masayang balita ang hatid ng mag-asawang Kevin Hermosada at Abigail Campanano-Hermosada sa kanilang mga…

2 days ago

Team Payaman’s Dudut Lang Takes On Intense HYROX Training With David Licauco

Nagsanib-pwersa ang Team Payaman cook na si Dudut Lang at aktor na si David Licauco…

2 days ago

Team Payaman Melts Over Pat Velasquez-Gaspar’s Son Ulap’s First Haircut

Hindi matatawarang mga reaksyon mula sa kanyang mga Tito at Tita ang natanggap ni Ulap…

2 days ago

Yiv Cortez Highlights All-in-One Treatments for a Confident Underarm Glow-Up

Many people continue to look for effective ways to manage common underarm concerns such as…

4 days ago

This website uses cookies.