Boss Keng’s Game Show Gets Real as Junnie Boy Fights for His Comeback

Matapos ang matagumpay na pilot episode, bumalik ang Team Payaman Wild Dog na si Exekiel Christian Gaspar, a.k.a “Boss Keng” para sa ikalawang yugto ng kanyang bagong serye na pinamagatang “Cash Flow”.

Sa bago nitong episode, sinubukan ng kapwa niya Team Payaman member na si Marlon Velasquez Jr., a.k.a “Junnie Boy” ang kapalaran para sa tsansang mai-uwi ang tumataginting na isang milyong piso.

EP 2 ft. Junnie Boy

Matapos mabigo sa unang pagsali sa kabilang game show, sumali si Junnie Boy sa Cash Flow para muling subukan ang kanyang kapalaran. 

Sa pre-interview na ipinakita sa VTR, inilahad ni Junnie Boy ang kanyang dahilan kung bakit siya sumali sa nasabing game show. 

Biro ni Junnie Boy, dati siyang “pariwara” bilang ama, at ngayon ay nadagdagan pa ito dahil naging “pariwarang asawa” na rin siya.

Bilang host, detalyado ring ipinaliwanag ni Boss Keng ang mechanics ng laro. Sampung tanong ang kinakailangang sagutin ng tama upang makuha ang grand prize. 

Kada tamang sagot sa unang walong tanong ay katumbas ng limang daang piso. Ang ika-siyam na tanong ay may halagang limang libong piso, habang ang huling tanong naman ay nagkakahalaga ng isang milyong piso. 

Ngunit kung magkamali ang contestant, lahat ng napanalunan ay babawiin. Bukod pa rito, may opsyong “atras o abante” kada ikatlong tanong. 

Ang mga tanong na inihanda ni Boss Keng ay hindi naging madali para kay Junnie Boy. Sa unang tanong pa lang tungkol sa pagsisimula ng World War I, tila nahirapan na si Junnie Boy.

Sa halip na isang simpleng sagot, naghatid siya ng isang mahabang leksyon na nagbanggit ng mga pangalan tulad nina Napoleon Bonaparte at Julius Caesar, kahit parehong wala angmga ito sa timeline ng World War I.

Sa huli, buong kumpiyansa niyang pinili ang 1905 bilang final answer. Ngunit ayon kay Boss Keng, ang tamang sagot dito ay 1914. 

Sa kabila ng pagkatalo, pinilit ni Junnie Boy ipaliwanag ang kanyang sagot sa paraang siya lang ang may kayang gawin.

Gayunman, kahit mali ang sagot, todo suporta pa rin si Boss Keng sa kanyang kaibigan. Sa dulo ng show, matapos ibalita na mali ang sagot ni Junnie, sabay nilang binalikan ang “kwento” ni Napoleon at kung paanong ito raw ay naging dahilan ng digmaan.

Netizens’ Comments

Samantala, patuloy na umani ng views at positive reactions ang “Cash Flow” series ni Boss Keng sa kanyang YouTube channel.

@NJDJ2: “Nakakamiss talaga ang Cash Flow series ni Boss Keng! Great game show!”

@jhapchavez6297: “Mas matagal pa introduction kesa sa Q and A.”

@KarenAG-ub7fd: “Ang galing ng game show mo Boss Keng! Kaaliw!”

@chricelledeanneencio4922: “Sinearch ko pa lahat ng mga date na sinasabi ni Junnie kung totoo. Paniwalang paniwala ako. Mula kay Napoleon at Julius Ceasar.”

Watch the full vlog below:

Angelica Sarte

Recent Posts

Doc Alvin’s Secret to Younger-Looking Skin, Revealed!

Hindi na lingid sa ating kaalaman ang mga hamon na kinakaharap ng ating balat araw-araw.…

19 minutes ago

Agassi Ching Finally Gets His Dream Toyota Prado After 8 Years of Vlogging

Isang bagong milestone na naman ang naabot ng Content Creator na si Agassi Ching matapos…

2 days ago

Turn Moments Into Memories with Viyline Print’s HQ Photo Canvas

Life’s full of unforgettable events. Milestones such as graduations, birthdays, weddings, anniversaries, must be kept…

2 days ago

Team Payaman Moms: An Epitome of Boundless Love

As we celebrate Mother’s Day, this is a perfect opportunity to recognize the hardships and…

3 days ago

3 Ways To Style Ivy’s Feminity Coords Pants

The summer season is not just about showing off your skin! You can always style…

3 days ago

Vien Iligan-Velasquez Shares Snippets of Alona Viela’s Summer Activities

Ngayong summer, todo suporta ang Team Payaman mom na si Vien Iligan-Velasquez sa pagdiskubre ng…

3 days ago

This website uses cookies.