Agassi Ching Finally Gets His Dream Toyota Prado After 8 Years of Vlogging

Isang bagong milestone na naman ang naabot ng Content Creator na si Agassi Ching matapos niyang bilhin ang kanyang second dream car—isang white Toyota Prado. 

Sa kanyang bagong vlog, ibinahagi ng content creator ang emosyonal ngunit masayang mga tagpo niya patungo sa pagbili ng sasakyang matagal na niyang pinapangarap.

Aga’s Long-Awaited Dream SUV

Matatandaang apat na taon na rin ang lumipas mula nang mabili ni Aga ang kanyang first dream car, isang Toyota 86 na pinangalanan niyang “White Fang.”

Ngayon, matapos ang walong taon ng vlogging at pitong taon na paghiram sa SUV ng kanyang ina, nabili na rin niya ang SUV na matagal niyang pinangarap.

Hindi rin nakalimutan ng content creator pasalamatan ang kanyang mga taga-suporta at ang Diyos sa biyayang kanyang natatanggap.

Sa nasabing video, ipinaliwanag ni Aga na hindi niya layunin magmayabang, kundi ipagdiwang ang bunga ng kanyang sipag sa vlogging. 

Ayon kay Aga, sa loob ng walong taon niyang paggawa ng content, bihira siyang gumastos para sa sarili at mas inuuna ang pamilya. 

“Kilala niyo naman ako, guys. Hindi naman ako ‘yung masyado mabili ng mga gamit-gamit. ‘Yung mga luxury bags [o] luxury shirt. Usually, ‘yung mga binibili ko para sa mga pamilya lang, sa mga ibang tao, [o] sa mga taong mahalaga sa akin.” Kwento ni Aga.

“Pero ngayon, syempre, i-spoil ko muna ‘yung sarili ko dahil feeling ko naman deserve ko ‘to. I’ve been vlogging for the past 8 years, at ngayon, finally, makakabili ako ng something para sa akin.” Dagdag niya.

Kasama ang kanyang kapatid na si Aldrich, binisita nila ang Automax sa Quezon City upang kunin ang customized na Toyota Prado. 

Kwento ni Aga, dalawang buwan din niyang hinintay matapos ang adjustments sa Prado, kabilang na ang 2-inch lift, bagong mags at gulong na umaabot sa halagang P200,000.

Bagamat 2017 model, halos brand new ang itsura nito dahil sa maayos na kondisyon at modifications.

Sa huli, ibinahagi rin ni Aga ang personal na inspirasyon sa likod ng pagbili ng Prado—ang kanyang ama na mahilig din sa Toyota vehicles. 

Netizens’ Comments

Samantala, umani ng positibong reaksyon si Aga mula sa mga tagahanga matapos matupad ang pagbili ng kanyang dream car.

@KeanPineda-g8d: “Well deserved sa sipag at kapogian! Bagay na bagay!”

@pilarham4928: “Congratulations, idol. So proud of your new car.”

@Arkhiereyes2012: “Congratulations, Kuya Aga, on your dream car after many years.”

Watch the full vlog below:

Angelica Sarte

Recent Posts

Viy Cortez-Velasquez Spills the Truth About ‘Congpound’ in Latest Vlog

Kamakailan, ibinahagi ng Team Payaman vlogger na si Viy Cortez-Velasquez ang kanyang bagong vlog, na…

13 hours ago

Viy Cortez-Velasquez Takes Sisters On A ‘Tres Marias’ Foodtrip Date

Isang masaya at nakakabusog na mini foodtrip vlog ang hatid ng magkakapatid na Viy Cortez-Velasquez,…

16 hours ago

Start 2026 on a Fresh Note with Perfect Scent by Viyline

The new year is the perfect time to refresh not just your routines, but your…

17 hours ago

Former Team Payaman Editor Carlo Santos Shares a Family Milestone

Ngayong taon lamang ay ibinahagi ng former Team Payaman editor na si Carlo Santos ang…

17 hours ago

Viy Cortez-Velasquez and Cong TV Take On Full-Time Parenting for a Day

Isang masaya at puno ng memoryang vlog ang hatid ni Viy Cortez-Velasquez at Lincoln Velasquez,…

2 days ago

Cong TV Reunites with a Familiar Face from ‘ISTASYON’ to Spice Up an Ad Jingle

Muling binalikan ni Cong TV ang isa sa mga nakasalamuha niya sa kanyang ‘ISTASYON’ vlog…

3 days ago

This website uses cookies.