Team Payaman’s Tita Krissy Achino Joins Vice Ganda’s Viral Dance Craze on It’s Showtime

Hindi nagpahuli ang Team Payaman member na si Chino Liu, a.k.a. Tita Krissy Achino sa trending na kasiyahan sa It’s Showtime nitong Lunes, April 28, 2025.

Sa isang espesyal na dance prod para sa tinaguriang National Crazy Day, sinimulan ng ABS-CBN noontime variety show ang episode nito sa isang bonggang opening number na puno ng energy at star power.

Star-Studded Opening Dance Number

Sinimulan ng It’s Showtime ang kanilang episode sa pamamagitan ng isang dance mob performance gamit ang kantang ‘Crazy’ ng K-pop girl group na LE SSERAFIM.

Tampok dito ang ilang celebrities tulad nina Yassi Pressman at mga dating housemates ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab na sina AC Bonifacio, Ashley Ortega, Charlie Fleming, Kira Balinger, Michael Sager, at Emilio Daez. 

Kasama rin dito ang ilan sa mga housemates ng PBB Gen 11 edition na pinangunahan ng big winner na si Sofia Smith a.k.a “Fyang”, at ni Awra Briguela. 

Dagdag kasiyahan pa ang paglahok ng mga P-pop groups gaya ng BGYO, VXON, G22, AJAA, at Wrive.

Nakilahok din sa sayawan ang mga dating kalahok ng Tawag Ng Tanghalan at Kalokalike, pati na ang mga bahagi ng Showtime Online U, Baby Dolls, at Showtime Kids.

Bukod kay Tita Krissy Achino, naki-indak din ang ilan pang social media personalities gaya nina Yobab, Kevin, Toni Fowler, Vince Flores, at Whamos Cruz sa nasabing dance craze.

Vice Ganda’s Dance Craze

Ang espesyal na prod ay bahagi ng pagdiriwang ng tinaguriang “National Crazy Day” ng It’s Showtime matapos maging viral sa TikTok ang kakaibang dance steps ng Unkabogable Box-Office Star na si Vice Ganda.

Maraming personalidad ang naki-join sa nasabing trend kabilang sina Iñigo Pascual at ang kanyang amang si Piolo Pascual.

Ang Crazy ay mula sa EP na may parehong pamagat na inilabas ng K-pop girl group na LE SSERAFIM noong August 2024.

Angelica Sarte

Recent Posts

Make Holiday Gifts Meaningful and Personal with Charms by Yiva

Christmas and New Year, known as the season of giving, inspire many to search for…

1 day ago

Level Up Year-End Celebration Memorabilia with Viyline Printing Services

​ As the New Year approaches, many Filipino families are seeking unique ways to make…

2 days ago

Ninong Ry Finally Grants Cong TV and Junnie Boy’s Cravings After Four Years

Matapos ang apat na taon, oras na para tuparin ni Ninong Ry ang kanyang pangako…

3 days ago

Junnie Boy Shares Dad Realizations in Recent ‘Tsuper Dad’ Vlog Episode

Para sa ikatlong episode ng ‘Tsuper Dad’ serye ni Marlon Velasquez Jr., a.k.a Junnie Boy,…

3 days ago

Team Payaman Members Bag Witty Awards at Their Recent Christmas Party

Sa nakaraang Christmas Party ng Team Payaman, hindi lang basta salu-salo ang naganap, nagkaroon din…

4 days ago

Viy Cortez-Velasquez Takes Cong TV on a Spontaneous Husband-and-Wife Adventure

Isang kwela at full-of-adventure vlog ang hatid nina Viy Cortez-Velasquez at mister niyang si Lincoln…

4 days ago

This website uses cookies.