Is Team Payaman Launching a New Podcast? Meet the Newest TP Trio!

Isang bagong samahan na naman ang sumibol sa lumalaking pamilya ng Team Payaman! 

Humanda na sa mga kapana-panabik na content mula sa bagong TP trio, ang “Unfiltered Besties,” na binubuo nina Clouie Dims at Pat Pabingwit ng TP Wild Cats, kasama ang kanilang matalik na kaibigan na si Jopearl Abad.

Midnight Cooking Bonding

Sa kaniyang pinakabagong YouTube vlog, nakasama ni Clouie Dims ang dalawa sa kanyang mga malalapit na kaibigan sa Team Payaman upang ipakilala ang kanilang grupo sa pamamagitan ng isang masayang midnight cooking session, isang prangkahang Q&A, at isang exciting na anunsyo na ikinatuwa naman ng netizens.

“Ang menu natinfor today’s midnight snack, magluluto kami ng pasta at chicken wings!” masiglang ibinahagi ni Clouie.

Habang abala sila sa paghahanda ng masasarap na pagkain, kaswal nilang sinimulan ang Q&A session na inihanda ni Clouie.  Aniya, ang mga tanong daw ay nagmula pa sa kanyang broadcast channel at TikTok live.

All-out naman ang tatlo sa pagsagot sa mga tanong tungkol sa kanilang personal na buhay, kanilang friendship, at maging ang kanilang buhay pag-ibig, na nagbigay sa mga manonood ng isang tunay at walang filter na sulyap sa kanilang mundo.

The Podcast

Pagkatapos ng kanilang masaya, makulit, at emosyonal na kitchen bonding experience, ang “Unfiltered Besties” ay may isang sorpresang anunsyo na nagpasabik sa mga manonood.

“Meron po kaming binubuong podcast!” masayang ibinunyag ni Clouie. “Abangan niyo po, soon… Sana po suportahan niyo kami dahil matagal na po naming gustong gawin ito.”

Dagdag pa nila, habang nag-aanyaya sa kanilang audience na makiisa sa pagbuo ng kanilang podcast title.

“Mag-suggest na kayo ng name para sa podcast namin…”

Abangan!

Samantala, agad namang nagpahayag ng pananabik ang mga netizen para sa paparating na podcast ng Team Payaman Wild Cats.

@ellieven: “Tuloy niyo po, mga ate!”

@cidgemorales1934: “Ituloy na ‘yang podcast!! Hahaha at one shot one makeup challenge, please!”

@keiuase: “Waiting sa podcast!!!”

@cams-sft: “Excited for da podcast!! “

@rexelalidon2899: “Waiting po sa podcast!”

Sa kanilang natural na friendship bonding, agad nang napahanga ng “Unfiltered Besties” ang netizens. Abangan ang iba pang mga update at ang mga masasayang content na siguradong ihahatid ng bagong trio ng Team Payaman na ito sa kanilang kapanapanabik na friendship journey!

Watch the full vlog below: 

Angel Asay

Recent Posts

Viyline and SMX Join Forces for TP Kids Fair and Team Payaman Fair 2026

The Viyline Group of Companies (VGC) is officially ready for a huge 2026. In a…

11 hours ago

Team Payaman’s Kevin Hermosada Drops New Single, ‘Disney’

Kamakailan, opisyal nang inilabas ng singer-songwriter at content creator na si Kevin Hermosada ang kanyang…

22 hours ago

Pat Velasquez-Gaspar Explores Ocean Park Hong Kong’s Sanrio Activation

Isang masaya at hindi malilimutang Ocean Park Hong Kong experience ang hatid ni Pat Velasquez-Gaspar.…

3 days ago

Dudut Lang Shares an Easy French Toast Grilled Cheese Recipe

Muling nagbahagi ng isang simple ngunit makabagong recipe ang Team Payaman cook na si Jaime…

3 days ago

Team Payaman Editors Begin a Shared Journey in Their New Home

Mula sa pagiging kasamahan sa trabaho, ngayon ay magkakasama na sa iisang tirahan ang ilang…

3 days ago

CONTENT WARS: Junnie Boy Teams Up With Burong and Bok Against Boss Keng

Matapos ang unang yugto ng content wars nina Junnie Boy at Boss Keng, isang plano…

4 days ago

This website uses cookies.