VIYmonte Kitchenomics Is Back: Mommy Viy Faces Daddy Cong in Cook-off Vlog

Isang panibagong edisyon ng VIYmonte Kitchenomics ang hatid ng Team Payaman vlogger na si Viy Cortez-Velasquez kasama ang mister n’yang si Cong TV.

Tunghayan ang mga nakakatuwang tagpo sa likod ng cook-off ng mag-asawang Cong at Viy kasama si Kuya Kidlat!

Challenge accepted!

Sa kanyang bagong vlog, inanyayahan ni Mommy Viy Cortez-Velasquez ang asawa n’yang si Lincoln Velasquez, a.k.a Cong TV, sa isang cook-off sa loob ng kanilang tahanan.

Kwento ni Mommy Viy, stay-at-home ang Pamilya Velasquez nitong nakaraang Holy Week sapagkat hindi pa nila pwedeng i-gala si Baby Tokyo at siya naman ay recovery mode pa matapos manganak.

Kaya naman, hinamon na lang niya si Daddy Cong sa isang cooking challenge, kasama na rin ang kanilang unico hijo na si Kuya Kidlat. 

“Dati, guys, kami lang ni Cong ang may paganito. Ngayon, meron na kaming batang makulit,” pagbabalik tanaw ni Viviys.

Ang pinaka-unang hamon sa kanila ay ang pagkuha at pagkumpleto ng mga rekados na kanilang gagamitin sa loob lamang ng isang minuto. 

“Malay ko sa pagluluto. Sana ang hinamon mo sina Ninong Ry, sina Judy Ann,” pabirong pag-angal ni Daddy Cong.

Ang mga sangkap na kinuha ni Viy ay carrot, mais, hotdog, at kanin para sa kanyang DIY fried rice. 

Datapwa’t napadami ang mga sahog at napa-onti ang kanin ay ipinagmamalaki ni Viy na tila hango sa kilalang restaurant ang kanyang luto.

“Ako hindi ko na kailangan magsalita. Alam niyo na kung ano ‘yung sa akin,” ani Viviys.

Samantala, si Daddy Cong naman ay nakakuha ng labanos, okra, sibuyas, sili, saging, talong, sinigang mix, at noodles.

Tinawag niya itong “The Cong TV Specialty”, isang Sinigang ala noodles with Banana: Ang sinigang na gulay, walang karne, ngunit  may saba. 

“Hintayin niyo lang. Huwag kasi kayong nanghuhusga agad. Mukha lang hindi masarap ‘yan. Mamaya magkaka alaman tayo,” pagtatanggol ni Daddy Cong sa kanyang lutuin.

The Verdict

Matapos ang pagpiprito at pagpapakulo sa kanilang mga putahe ay oras na upang tikman ang kanilang mga iniluto. 

Tila proud na proud si Cong sa kanyang newly discovered recipe. “Parang breakthrough ‘to sa history ng pagluluto,” biro niya.

Sa huli, nakakuha rin ang kanilang mga putahe ng double thumbs up mula kay Kidlat at approve rin naman ito para kay Genggeng.

Watch the full vlog below: 

Alex Buendia

Recent Posts

Cong TV and Junnie Boy Share Fatherhood Advice with Kevin Hermosada

Bago isalang ang kanyang Baby Austin, sumangguni ang soon-to-be daddy na si Kevin Hermosada kina…

11 hours ago

REVERSE SURPRISE: Team Payaman Wild Dogs Surprise Dudut Lang with an Unexpected Guest

Isang hindi inaasahang surprise guest ang bumulaga sa Team Payaman member na si Dudut Lang…

2 days ago

Rolling Into the Spotlight: How Viyline’s Mobile Billboard Builds Excitement for Team Payaman Fair 2026

As Viyline and Team Payaman Fair 2026: VIYond the Beat take the spotlight, a moving…

3 days ago

Celebrate Cong TV’s Birthday With Team PYMN Clothing’s Newest ‘Lincoln Club Collection’

Team Payaman Fans, get ready for another exciting streetwear drop! Cong TV’s apparel brand, Team…

4 days ago

Team Payaman’s PAAWER Couple CongViy Battles Celebrity Loveteam JoshLia in ‘Kusina Wars’

Isang nakakakilig na episode ang hatid ni Viy Cortez-Velasquez sa kanyang “Kusina Wars” vlog matapos…

4 days ago

Viy Cortez-Velasquez Takes House Angels To A Delicious Food Adventure With Kidlat and Tokyo

Isang masayang food adventure ang hatid ni Mommy Viy Cortez-Velasquez kasama ang mga house angels…

5 days ago

This website uses cookies.