Four Times Pat Velasquez-Gaspar Proved the Value of Motherhood

“There is no way to be the perfect mother but there are a million ways to be a good one.”

Silipin ang ilan sa mga touching mom duties ng Team Payaman vlogger na si Mommy Pat Velasquez-Gaspar na nagpatunay ng kahalagahan ng pagiging isang ina.

Battle with PCOS

Pinatunayan ng Team Payaman mom na si Pat Velasquez-Gaspar ang kahalagahan ng pagkakaroon ng pag-asa nang masundan pa ang kanilang unico hijo na si Isla Patriel, sa kabila ng kaniyang pakikipag-laban  sa PCOS o Polycystic Ovary Syndrome

Ang PCOS ay isang karaniwang hormonal condition na nakakaapekto sa mga kababaihan na maaaring maging dahilan ng paghihirap sa pagbubuntis. 

PCOS couldn’t steal my dream. Now, I’m gifting my husband the family we’ve always wanted,” kwento ni Mommy Pat sa isa sa kanyang mga social media posts.

Pregnancy Power

Isang oras matapos matagumpay na ipanganak ang kanilang bunsong si Baby Ulap, nagpahayag si Mommy Pat ng paghanga sa mga kapwa niyang nanay sa pamamagitan ng isang nakakatawang video

Biro niya sa asawang si Boss Keng, maari na silang umuwi habang sinasambit ang sikat na punchline ng TikTok star na si Grace Tanfelix na “Okay na ‘to”.

Ganun pala ang pakiramdam ng “ring of fire” sa panganganak. Wow talaga the power of a woman!,“ paghanga ni Pat sa mga kapwa niya ina.

Breastfeeding journey

Isa rin sa ipinagmamalaki ni Mommy Pat sa kanyang motherhood journey ay ang kanyang breastfeeding moments mula pa noon kay Kuya Isla hanggang ngayon para sa kanyang newborn na si Baby Ulap.

Ibinahagi niya sa kanyang social media accounts ang isang content na kung saan masaya itong nag-iipon ng fresh milk para sa kanyang bunso.

“One drop = one million warriors,” ani Mommy Pat.

Hindi naman pinalagpas ni Mommy Pat na pasalamatan ang kaniyang ina na si Lola Jovel para sa supply ng gulay sa kanilang family farm kung kaya’t sagana siya sa breast milk.

Ang breastfeeding ay normal na paraan ng pagbibigay ng sustansya sa isang sanggol upang lumaki at magdevelop bilang isang malusog na bata. 

Priceless Job

Para kay Mommy Pat, ang pagiging ina ay isa sa kanyang mga pinapangarap. Isa ang trabahong ito sa kanyang ine-enjoy at minamahal na gawin sa pang-araw-araw.

Makikita ito sa ilang mga random day in a life clips na ibinabahagi nilang mag-asawa sa kani-kanilang mga social media accounts. 

Isang halimbawa nito ay ang nakaraang weekend bonding ng Team Boss Madam, kung saan makikitang payapa niyang pinapa-suso ang bunso nilang si Baby Ulap. 

Alex Buendia

Recent Posts

#SiblingGoals: Team Payaman’s Mavi and Viela’s Cutest On-Cam Moments

Talaga namang sa tipikal na pamilya, ang magkapatid ay may on-and-off na samahan. ‘Yan ang…

2 days ago

Team Payaman’s House G Members Get Real in a Viral Lie Detector Test Challenge

Naghatid ng katatawanan at tensyon ang bagong Facebook reel upload ng Team Payaman vlogger na…

2 days ago

Doc Alvin Francisco Advocates For a Healthier Eating Habit

Hindi maipagkakaila na isa ang pagkain sa mga hilig ng mga Pilipino lalo pa’t isa…

3 days ago

Be Summer-Ready with Viyline Printing Services’ Personalized Essentials

Ready to refresh your summer wardrobe? Viyline Printing Services’ Summer Essentials collection has you covered…

3 days ago

Viy Cortez-Velasquez Shares Exclusive Snippets from Baby Tokyo’s Birth

Isang emosyonal na tagpo ang ibinahagi ng Team Payaman mom na si Viy Cortez-Velasquez nang…

5 days ago

Netizens Were Touched by Kuya Kidlat’s First Encounter with Baby Tokyo

Dumating na ang isa sa pinaka-inaabangang sandali para sa mga tagasuporta ng Team Payaman—ang pagsilang…

5 days ago

This website uses cookies.