Von Ordona Takes On An Epic Mission to Bring MrBeast to the Philippines

Nag-viral ang online video ng YouTube content creator na si Von Ordoña matapos ang isang all-out na proposal niya para kay Mr.Beast na bumisita sa bansa.

Magtagumpay kaya ang Billionaire Gang member sa kanyang plano na mapabisita si Mr.Beast sa BG House?

Epic Proposal

Naging viral ang seryeng hatid ng Billionaire Gang member na si Von Ordoña na mapapapayag ang sikat na international vlogger na si James Stephen Donaldson, a.k.a Mr. Beast, na bumisita sa BG House.

Sa unang parte ng kanyang campaign video, taas noo nitong tinanggap ang hamon na makuha ang matamis na “Oo” ng isa sa mga tinitingalang international vlogger na bumisita sa bansa.

Ayon kay Von, napansin nilang marami ng mga bansa ang napuntahan ng naturang vlogger, ngunit kailanma’y hindi pa ito nakakapasyal sa bansa. Kaya naman, naisipan nina Von na hikayatin ang kanilang iniidolo na bumisita sa BG House.

“Every detail had to be perfect,” kwento ni Von. 

“Be prepared. I’m coming,” mensahe naman ni Mr.Beast na s’yang gumulat sa Team BG.

“This might just be a dream, a manifestation. Pero kung mabibigyan kami ng chance to talk to Mr. Beast, gusto lang naming magpasalamat,” aniya. 

You’ve inspired us, and millions of Filipinos, to create with purpose.” Dagdag pa ni Von, malaking pangarap nila na isang araw, makita ni Mr.Beast ang ganda ng Pilipinas at maranasan ang tunay na diwa ng Filipino hospitality.

A Pinoy Welcome for Mr.Beast

Dahil kaarawan ng kanyang bunso, ibinahagi ni Von ang kanyang mensahe para sa kanilang iniidolong vlogger. 

“Hi Mr.Beast! It’s my son’s first birthday!” ani Von. “It would mean the world to us if you will see this!”

Bilang paghahanda sa nasabing proposal, naghanda ng isang 56×36 feet platform ang Team BG na kanilang ginawang canvas. Pangako rin ng mga ito na sila ay magla-live stream mula April 4 hanggang May 3.

May trailers, props, custom branding, Feastables, at full production setup, na kanilang pinaghandaan para sa isang tanong na “Mr.Beast… Would you be my son’s grandfather?”

Para kay Von, hindi ito tungkol sa kanya. Ito ay para sa kanyang anak. Isang ama na humahanga kay Mr.Beast at nais siyang maging bahagi ng kanilang pamilya.

Netizens’ Comments

Marami ang humanga sa dedikasyon ni Von na mabigyan ng isang masayang at hindi malilimutang kaarawan ang anak.

@JabaniSarip: “Ang galing naman idol Von lupit ng ginawa mo nice, Congratulations in advance baka bisitahin ka ni Mrbeast sa pinas sana. Good luck!”

@NinaBautista-vt7bu: “Imagine two of the best vloggers I know doing a collab—it would make my day! I hope someday you guys collaborate.”

@NenEdits-o7i: “Hindi maikakaila na si Von lang ang vlogger sa pinas na kayang tapatan ang edit ni Mr. Beast (credit sa team ni Von)”

@johncarltalagtag514: “sheeshh!!!! grabe ang production ng bg ibang level na rin editing patagal ng patagal paganda nang ganda walang vids na patapon good luck Kuya Von keep it up number one fan here!!!!!”

@lhexterquilanlan5789: “Yown finally another solid and quality content again Kuya Von Can’t wait sa pag dating ni Mr Beast Sa Pinas!”

Watch the full vlog below:

Carmellie Ocampo

Recent Posts

Tita Krissy Achino Shares the Truth Behind Her Impersonation Career with Toni Fowler

Sa pinakabagong episode ng Fowler’s Position, tampok ang Team Payaman member na si Tita Krissy…

3 days ago

Bring Your Family and Creativity Together This Christmas with TP Kids

The holiday season is all about creating joyful memories with family, and TP Kids has…

5 days ago

Vien Iligan-Velasquez Shares Snippets of Mavi’s 7th Birthday Celebration

Sa bagong vlog ni Vien Iligan-Velasquez, ibinahagi niya ang emosyonal at masayang selebrasyon ng ika-pitong…

5 days ago

Viy Cortez-Velasquez Challenges Sexbomb Girls in Kitchen Showdown

Hindi hatawan sa dance floor, kundi hatawan sa kusina ang hatid ng Team Payaman vlogger…

5 days ago

Netizens Giggle Over Kidlat and Viela’s Cute Bonding Moments

Good vibes at ‘balls of sunshine’ kung tawagin ang magpinsan na sina Alona Viela at…

5 days ago

Buy More, Slay More with Viyline Cosmetics’ Exclusive Holiday Lip Treat

It’s the season to be festive, and your makeup look should reflect the joy and…

5 days ago

This website uses cookies.