This Is How Yiv Cortez Maintains Her Youthful Glow

Hindi maitatanggi na isa ang Team Payaman Next-Gen vlogger at nakababatang kapatid ni Viy Cortez-Velasquez na si Yiv Cortez sa may kapansin-pansin na aura.

Sa isang Instagram post, ibinahagi ni Yiv ang kanyang kaagapay sa pagpapanatili ng kanyang youthful glow.

Yiv’s Glow Unveiled

Sa likod ng pagiging hands-on student at content creator, hindi pa rin pinapabayaan ng 20-anyos na vlogger na si Yiv Cortez ang kanyang glowing skin, na kanyang pinapanatili sa tulong ng Willis Medical Aesthetics.

Sa kanyang latest beauty session, sumailalim siya sa Hollywood Spectra Laser, isang advanced na treatment na nakakatulong sa pagpapaganda ng balat, na kanyang ipinasilip sa kanyang recent Instagram reel.

Bago ang nasabing procedure, sumailalim muna si Yiv sa cleansing upang matanggal ang dumi, excess oil, at make-up, na ayon sa mga eksperto ay epektibong para sa skin renewal. 

Kasunod naman nito ang steaming, na nakatutulong sa pagbubukas ng pores at at pag-alis ng skin impurities.

Sa wakas, isinagawa ang Hollywood Spectra Laser, isang non-invasive na procedure na tumutulong sa pag-exfoliate ng balat, pag-fade ng dark spots, at pagpapababa ng acne scars. 

Bukod sa pagpapakinis ng balat, ang treatment na ito ay nakakatulong din sa collagen production para sa mas young-looking skin, ayon kay Yiv. 

Happy Skin, Happy Yiv

Makikitang relaxed at nage-enjoy si Yiv habang isinasagawa ang nasabing treatment. Dito, ipinakita rin kung paano dahan-dahang dinadaanan ng laser ang balat upang matulungan itong maging mas makinis at glowing. 

Pagkatapos ng kanyang beauty treatment, bakas sa mukha ni Yiv ang kasiyahan sa kinalabasan ng procedure. 

Makikita rin ang natural glow at mas fresh na itsura ng kanyang balat, isang patunay na epektibo ang Hollywood Spectra Laser sa pagpapaganda ng kutis.

Watch the full video below:

Angelica Sarte

Recent Posts

Viyline and SMX Join Forces for TP Kids Fair and Team Payaman Fair 2026

The Viyline Group of Companies (VGC) is officially ready for a huge 2026. In a…

12 hours ago

Team Payaman’s Kevin Hermosada Drops New Single, ‘Disney’

Kamakailan, opisyal nang inilabas ng singer-songwriter at content creator na si Kevin Hermosada ang kanyang…

24 hours ago

Pat Velasquez-Gaspar Explores Ocean Park Hong Kong’s Sanrio Activation

Isang masaya at hindi malilimutang Ocean Park Hong Kong experience ang hatid ni Pat Velasquez-Gaspar.…

3 days ago

Dudut Lang Shares an Easy French Toast Grilled Cheese Recipe

Muling nagbahagi ng isang simple ngunit makabagong recipe ang Team Payaman cook na si Jaime…

3 days ago

Team Payaman Editors Begin a Shared Journey in Their New Home

Mula sa pagiging kasamahan sa trabaho, ngayon ay magkakasama na sa iisang tirahan ang ilang…

3 days ago

CONTENT WARS: Junnie Boy Teams Up With Burong and Bok Against Boss Keng

Matapos ang unang yugto ng content wars nina Junnie Boy at Boss Keng, isang plano…

4 days ago

This website uses cookies.