Kevin and Abigail Campañano-Hermosada on Life as a DINK Couple

Marami sa mga mag-asawa ay nagsasama at pinipiling magkaroon ng D.I.N.K o Dual Income, No Kids lifestyle.

Sa kauna-unahang pagkakataon, ipinasilip ng Team Payaman D.I.N.K. couple na sina Kevin at Abigail Campañano-Hermosada ang kanilang sariling tahanan.

House Tour

Sa bagong reel upload ng Team Payaman editor-turned-vlogger na si Kevin Hermosada, proud niyang ibinahagi sa mga manonood ang tahanan nila ng misis n’yang si Abigail Campañano-Hermosada.

Matatandaang sinimulan ng mag-asawa ang kanilang proyekto sa pagbuo ng kanilang sariling tahanan noong nakaraang taon.

Sa tulong ng mga magulang ni Abi, naisakatuparan ng dalawa ang kanilang pangarap na magkaroon ng sariling espasyo bilang mag-asawa.

Pagpasok pa lamang ay matatagpuan na ang ilan sa mga magpaparamdam na ikaw nga ay nasa loob ng Hermosada’s Residence tulad ng kanilang YouTube Play Button Awards, pati na rin ang kanilang mga litrato.

Sunod na ipinasilip nina Abi at Kevin ang kanilang sala, kung saan matatagpuan ang kanilang relaxing sofa, wide-screen TV, at ang PS5 ni Kevin.

Matatagpuan din sa tabi ng kanilang sala ang kanilang munting terrace na kung saan sila nagsasampay o hindi kaya’y tumatambay sa hapon.

Ibinahagi rin ng dalawa na si Abi ang naging punong abala sa pagdidisenyo at pagsasa-ayos ng kanilang first-ever home.

“Actually guys, wala akong problema sa designing ni Abi dito sa bahay. Gusto ko ‘yung mga ginagawa mo [Abi],” ani Kevin.

Isa rin sa ipinagmamalaki ng dalawa ay ang kanilang kusina na kung saan nila isinasagawa ang kanilang food contents.

Ibinahagi rin ni Abi na mas pinipili nilang mamili ng mga groceries online upang makatipid.

Hindi rin pinalampas ng Hermosada couple na maipasilip ang kanilang Master’s Bedroom na ayon sa kanila’y kanilang paborito parte ng kanilang bahay.

Congratulatory Messages

Samantala, marami ang natuwa at humanga sa pagkamalikhain ng mag-asawang Kevin at Abi sa pagbuo ng kanilang munting tahanan.

Edgar Calabia Samar: “Maraming salamat, Abi at Kevs at congrats sa inyong tahanan!”

ジェ ッシ カ: “Nakakainspire naman po. Pero Kuya Kevin and Ate Abi, pwede po kayo maglagay ng indoors plant like any succulents, cactus ganern mabubuhay naman po siya if gusto niyo lang po hihi”

Majorita Caluza Valera: “More blessings and power to you both. Love ko kayo kasi natural lang and sincere!”

Angelica Sarte

Recent Posts

Viyline and SMX Join Forces for TP Kids Fair and Team Payaman Fair 2026

The Viyline Group of Companies (VGC) is officially ready for a huge 2026. In a…

13 hours ago

Team Payaman’s Kevin Hermosada Drops New Single, ‘Disney’

Kamakailan, opisyal nang inilabas ng singer-songwriter at content creator na si Kevin Hermosada ang kanyang…

24 hours ago

Pat Velasquez-Gaspar Explores Ocean Park Hong Kong’s Sanrio Activation

Isang masaya at hindi malilimutang Ocean Park Hong Kong experience ang hatid ni Pat Velasquez-Gaspar.…

3 days ago

Dudut Lang Shares an Easy French Toast Grilled Cheese Recipe

Muling nagbahagi ng isang simple ngunit makabagong recipe ang Team Payaman cook na si Jaime…

3 days ago

Team Payaman Editors Begin a Shared Journey in Their New Home

Mula sa pagiging kasamahan sa trabaho, ngayon ay magkakasama na sa iisang tirahan ang ilang…

3 days ago

CONTENT WARS: Junnie Boy Teams Up With Burong and Bok Against Boss Keng

Matapos ang unang yugto ng content wars nina Junnie Boy at Boss Keng, isang plano…

4 days ago

This website uses cookies.