Daddy Louie Unboxes His Much-Awaited Team Spyder x Team Payaman Helmet

Para sa isang rider, ang helmet ay hindi lang basta proteksyon, isa rin itong statement piece at kaagapay sa bawat biyahe. 

Kaya naman hindi maitago ni Daddy Louie Nimedez ang kanyang excitement nang matanggap na niya ang Team Spyder x Team Payaman Helmet! 

Unboxing

Si Daddy Louie, na kilala rin bilang ama ng yumaong Team Payaman vlogger na si Emman Nimedez, ay ibinahagi ang kanyang unboxing experience sa bagong vlog.

Bago pa man niya buksan ang package, napansin agad ni Daddy Louie kung gaano ka-secure ang packaging.

Habang binubuksan niya ito, unti-unti niyang nakita na mayroon itong ilang special accessories gaya ng puting visor at isang balaclava na siguradong magagamit niya sa kanyang mga pagmamaneho ng motorsiklo.

Agad na napahanga si Daddy Louie sa itsura ng Team Spyder X Team Payaman helmet at nasabi niyang ito na ang magiging kaagapay niya sa mas malalayong rides.

Bukod dito, naisip din niyang gamitin ang nabili niyang intercom at ikabit ito sa nasabing helmet. 

Aniya, mas magiging masaya na ngayon ang kanyang ride experience dahil pwede na siyang makinig sa kanyang paboritong mga kanta habang nasa daan.

Showing Off the Gear

Sa pagtatapos ng vlog, ipinakita ni Daddy Louie ang ilang clips kung saan gamit na niya ang bagong helmet sa kanyang pagmamaneho.

Sa huli, ibinahagi rin niya ang ilang litrato kung saan kitang-kita ang saya sa kanyang mukha habang ibinibida ang bago niyang gear.

Watch the full vlog here:

Angelica Sarte

Recent Posts

Junnie Boy Shares Hilarious ‘Hiding Spots’ for Home Security in Latest Vlog

Naghatid ng aliw sa mga manonood ang Team Payaman dad na si Junnie Boy matapos…

1 day ago

Boss Keng Introduces Team Boss Madam’s New Talented Editor

Isang talentadong video editor mula sa Team Boss Madam ang ipinakilala ni Boss Keng sa…

2 days ago

Vien Iligan-Velasquez Shares Memorable ‘Disney On Ice’ Experience with Family

Kamakailan lang, ibinahagi ng Team Payaman mom na si Vien Iligan-Velasquez ang isang family bonding…

2 days ago

Content Wars is Back! Boss Keng ‘Kalabantay’ Challenges Junnie Boy’s ‘Bantatay’

Panibagong mga karakter ang hatid ng Team Payaman members na sina Boss Keng at Junnie…

4 days ago

​Viyline Group of Companies Prepares for 2026 with a Strategic Planning Event

​ "Strategic Planning is nothing without strategic vision." Guided by this principle, the Viyline Group…

4 days ago

Viy Cortez-Velasquez Spills the Truth About ‘Congpound’ in Latest Vlog

Kamakailan, ibinahagi ng Team Payaman vlogger na si Viy Cortez-Velasquez ang kanyang bagong vlog, na…

4 days ago

This website uses cookies.