JaiGa Finally Talks About Their Controversial Break-up

Usap-usapan ngayon ang latest YouTube vlog ng content creator na si  Jai Asuncion, kung saan naging sentro ng atensyon ang kanilang muling pagtatagpo ng ex-partner na si Agassi Ching. 

Matapos ang kanilang kontrobersyal na hiwalayan, nagkaroon sila ng pagkakataong mag-usap nang masinsinan, at ibinahagi nila ang kanilang mga nararamdaman sa publiko. 

Tampok sa nasabing vlog ang vlog ang kanilang camping trip kasama ang ilang co-actors para sa upcoming Pinoy Horror Film na ‘POSTMORTEM,’ tulad nina Clouie Dims, Dudut Lang, at Coach JM, sa Camp Hiatus, Tanay, Rizal. 

Ipinakita ni Jai ang masayang adventure, kabilang ang ATV rides, magagandang tanawin, 4×4 rides, at swimming. Bukod sa mga aktibidad, nagsama ang tambalang JaiGa na binubuo nina Jai Asuncion at Agassi Ching para sa isang makabuluhang pag-uusap matapos ang kanilang paghihiwalay.

JaiGa Talks

Bagama’t may bahid ng awkwardness, sinagot nila ang mga tanong ng isa’t isa nang tapat. “Kumusta ka after break-up?” ang unang tanong ni Jai.

“Maayos naman,” sagot ni Aga, at idinagdag na maayos ang kanyang karera pagdating sa pagva-vlog at pagtatrabaho. 

“After our break-up… sobrang laki ng pinagbago sa life ko. Syempre may mga time, madalas, na sa pagtulog ko… nakakatulog na lang ako sa pag-iyak. Ganun ako naapektuhan sa break-up natin,” pagbabahagi naman ni Jai. 

“Pero ngayon, doing better naman. Mas marami akong travel, mas nakakagawa ako ng vlogs,” dagdag pa niya.

Sa vlog, humingi rin ng tawad si Aga para sa kanilang nakaraang mga komplikasyon. Nilinaw din nila na sila ay “acquaintances” na lamang, at hindi rin “friends.”

“Guys, sa mga JaiGa fam, sa mga sumuporta, at nanood samin… unang una, gusto kong buong pusong magpasalamat dahil kahit ngayong separated na kami ni Jai ay andiyan pa rin kayo para samin. Sinusuportahan niyo pa rin kami each in our own journey,” pasasalamat ni Aga.

Dagdag pa niya, umaasa siyang magiging masaya na lang ang lahat para sa kanila dahil walang anumang samang loob na dala sina Jai at Aga para sa isa’t-isa. 

Watch the full vlog below:

Angel Asay

Recent Posts

Viy Cortez-Velasquez Spills the Truth About ‘Congpound’ in Latest Vlog

Kamakailan, ibinahagi ng Team Payaman vlogger na si Viy Cortez-Velasquez ang kanyang bagong vlog, na…

7 hours ago

Viy Cortez-Velasquez Takes Sisters On A ‘Tres Marias’ Foodtrip Date

Isang masaya at nakakabusog na mini foodtrip vlog ang hatid ng magkakapatid na Viy Cortez-Velasquez,…

10 hours ago

Start 2026 on a Fresh Note with Perfect Scent by Viyline

The new year is the perfect time to refresh not just your routines, but your…

11 hours ago

Former Team Payaman Editor Carlo Santos Shares a Family Milestone

Ngayong taon lamang ay ibinahagi ng former Team Payaman editor na si Carlo Santos ang…

11 hours ago

Viy Cortez-Velasquez and Cong TV Take On Full-Time Parenting for a Day

Isang masaya at puno ng memoryang vlog ang hatid ni Viy Cortez-Velasquez at Lincoln Velasquez,…

2 days ago

Cong TV Reunites with a Familiar Face from ‘ISTASYON’ to Spice Up an Ad Jingle

Muling binalikan ni Cong TV ang isa sa mga nakasalamuha niya sa kanyang ‘ISTASYON’ vlog…

2 days ago

This website uses cookies.