MENtal Health Matters: Kevin Hermosada Proves That Men Can Also Ask For Help

Kilala bilang “comedic couple” ang Team Payaman couple na sna Kevin Hermosada at Abigail “Abi” Campañano-Hermosada ng Team Payaman. 

Ngunit sa kabila ng kanilang masasayang content online, may mga bagay na hindi nakikita ng mga manonood sa likod ng kamera.

Ibinahagi ni Kevin ang isang personal na karanasan kung saan ipinakita ng kaniyang asawa ang suporta at pag-unawa sa kanyang mental health struggles.

Supportive Partner

Sa kaniyang Facebook post, inamin ni Kevin Hermosada na nakaramdam siya ng kawalan ng gana sa isang araw na dapat sana’y magbebenta sila ng kanyang asawa na si Abi.

Aniya, imbis na mainis ang asawa na si Abi, tinanong siya nito kung ano ang gusto niyang gawin—matulog, maglaro ng PS5, o mag-travel.

Sa kabila nito, niyakap lang siya ng kaniyang asawa at hinayaan siyang matulog muli. Habang siya ay nagpapahinga, ang kaniyang misis naman ay tahimik na sumasagot sa mga inquiries para sa kanilang negosyo.

Ayon kay Kevin, ipinaramdam ng kaniyang asawa na siya ay parang “baby” o isang “hari” na pinagsisilbihan.

Dahil sa pag-aalaga ng kaniyang misis, unti-unting gumaan ang kaniyang pakiramdam. Dagdag pa niya, ramdam niyang nauunawaan siya nito at hindi siya nakaramdam ng panghuhusga.

A Moment of Appreciation

Sa dulo ng kaniyang post, ipinaabot ni Kevin ang taos-pusong pasasalamat sa kaniyang asawa na si Abi, na tinawag niyang kaniyang “home remedy” sa tuwing mabigat ang kaniyang pakiramdam.

Binigyang-diin din niya ang kahalagahan ng pagkakaroon ng isang supportive partner, lalo na sa mga panahong hindi maganda ang nararamdaman ng isang tao.

“Minsan… may feeling kaming mga lalake na feeling namin wala kaming kwenta, o kaya naman parang not enough ang ginagawa namin. Overthink para sa future. Mga tipong ‘kaya ko ba?’”

Ngunit dahil sa pagmamahal at pag-unawa ni Abi, unti-unting nawala ang negatibong pag-iisip ni Kevin.

Sa huli, nag-iwan siya ng mensahe sa mga nakakaramdam ng ganitong emosyon na huwag matakot ipahayag sa kanilang partner ang tunay  na nararamdaman.

Para naman sa mga may partner na patuloy na sumusuporta sa kanila, pinayuhan niya ang mga ito na ipakita rin ang kanilang pasasalamat.

Para sa mga nais maghanap ng makaka-usap, ‘wag magdalawang isip na lumapit sa  mga sumusunod na tanggapan:

National Center for Mental Health Crisis Hotline:
Phone: 1553
09663514518
09086392672
09190571553
09178998727 

Strong Mind Foundation
0917-4567429
rolandobcortez@gmail.com

Angelica Sarte

Recent Posts

Cong TV Reveals His Anbilibabol Team’s Official Jersey

Dahil nalalapit na ang inaabangang paghaharap ng Cong’s Anbilibabol Basketball Team at Star Magic boys,…

3 days ago

Makeup Looks We’re Stealing from Vien Iligan-Velasquez

It is no secret that Team Payaman’s Vien Iligan-Velasquez is one to look out for…

4 days ago

Viy Cortez-Velasquez Challenges Barbie Imperial to a Cook-Off

Muling nagbabalik ang Team Payaman vlogger na si Viy Cortez-Velasquez hatid ang ika-limang episode ng…

4 days ago

Viy Cortez-Velasquez Gears Up for Her Next-Level Vlog Releases

Matapos ang buwis-buhay na content sa Cebu, kaabang-abang na naman ang bagong vlogs na inihahanda…

4 days ago

Day 1 Recap: Viyline MSME Caravan Continues to Brew VIYsness at SM City Cabanatuan

After a successful run in Quezon City, the Viyline MSME Caravan officially launched its 7th…

4 days ago

IT’S OFFICIAL: Team Payaman Fair is Coming to Cebu!

It’s official! The biggest influencer event — Team Payaman Fair — is set to bring…

5 days ago

This website uses cookies.