Bukod sa pagiging hands-on Mommy ni Vien Iligan-Velasquez sa dalawa niyang anak na sina Kuya Mavi at Viela, isa rin siyang hands-on fur momma sa kanilang fur babies.
Sa kaniyang latest vlog, excited na ibinahagi ni Mommy Vien ang isang sorpresa na inihanda niya para sa kanyang mga anak.
Bago ipakilala ni Mommy Vien si Baby Mallow sa kanyang mga anak, sinigurado muna niya na malinis at maayos ang kanilang bagong fur baby.
Si Baby Mallow ay anak ni Nyeti, ang rescue dog ng Team Payaman. Kuwento ni Mommy Vien, matagal na raw niyang gusto magkaroon ng aspin dahil iba raw ang alagang dala nito.
At nang dumating na ang big reveal, labis ang tuwa nina Kuya Mavi at Viela nang makita si Baby Mallow, kaya naman agad nila itong nilaro at kinulit.
Upang masiguro ang kalusugan ni Baby Mallow, agad din siyang dinala ni Mommy Vien sa beterinaryo upang tiyakin na nasa mabuting kalagayan ang kanilang bagong alaga at mabigay ang tamang pangangalaga rito.
Hindi rin nakalimutan ng pamilya Velasquez na mamili ng mga gamit ni Mallow. Pumunta sila sa isang pet store kung saan namili ang mga ito ng pagkain, laruan, at iba pang essentials na makakatulong sa pag-aalaga kay Mallow.
Excited din sina Kuya Mavi at Viela na pumili ng sariling laruan at pagkain para sa kanilang bagong alaga.
“Ang dami na nating nabili para sa kaniya (Mallow). Sa sobrang [tagal]—after six years kasi nagkaroon kami ulit ng puppy sa bahay kaya tuwang tuwa ‘yung mga kids,” ani Mommy Vien.
Samantala, ikinatuwa ng maraming netizens ang pagbahagi ni Mommy Vien ng kanilang pag-alaga ng aspin.
@kyl0wl: “Thank you, Vien, for adopting an aspin. Never thought na anak siya ni nyeti,”
@princesslapuz6388: “Halaaaa, thank you for adding Mallow to your family. Sana all tinitreat ng maayos ang mga aspin. Kudos, Ms. Vien. Sana vlog naman about sa mga dogs niyo.”
@marvhiltabaco4249: “Thank you Vien for adopting Mallow. Sobrang cutie din ng mga aspin, can’t wait for more updates.”
Watch the full vlog below:
Team Payaman Fans, get ready for another exciting streetwear drop! Cong TV’s apparel brand, Team…
Isang nakakakilig na episode ang hatid ni Viy Cortez-Velasquez sa kanyang “Kusina Wars” vlog matapos…
Isang masayang food adventure ang hatid ni Mommy Viy Cortez-Velasquez kasama ang mga house angels…
Isang Cebu adVIENture ang hatid ni Vien Iligan-Velasquez matapos nilang dumayo sa nasabing probinsya upang…
For fans who have spent years watching their favorite Filipino content creators through vlogs, livestreams,…
Panibagong endorsement ang hatid ng Team Payaman PAAWER Couple na sina Cong TV at Viy…
This website uses cookies.