From Normal Delivery to C-Section: Mommy Pat Velasquez Gaspar’s Pregnancy Journey

Sa pinakahuling pregnancy update ni Mommy Pat Velasquez Gaspar tungkol sa kanyang pregnancy journey, ipinasilip niya ang kanyang last ultrasound bago ang nalalapit na panganganak ng kanilang ikalawang baby boy sa 37 weeks ng kanyang pagbubuntis. 

Excited at kabado si Mommy Pat, lalo na’t hindi pa sigurado kung normal delivery ba ang mangyayari—tulad ng kanyang unang panganganak kay Isla Patriel—o kung kakailanganin ng C-section. 

Excited Mom

Sa latest Facebook reel, ipinaliwanag ng soon-to-be-mom of two ang kahalagahan ng Biophysical Ultrasound, isang test na sumusuri sa heart rate, movement, amniotic fluid, at posisyon ng baby. 

Isa itong mahalagang bahagi ng pagbabantay sa kalagayan ni baby bago ang aktwal na panganganak.

Kwento ni Mommy Pat, noong unang ultrasound niya kay Baby Ulap, hindi pa ito handa lumabas dahil sa hindi tama ang posisyon ng ulo nito, dahilan upang mapagtanto ng kanyang doktor na may posibilidad na hindi ito maging normal delivery.

“Hopefully, naka-position na siya kasi parang nararamdaman ko na ang sakit sa balakang, may times na parang nagla-labor na ako,” ani Mommy Pat. 

The Next Steps

Dahil dito, patuloy siyang nagmo-monitor ng kanyang katawan at sinisiguradong handa siya anumang oras dumating si Baby U,ap.

Ibinahagi rin ni Mommy Pat ang kanyang bagong natutunan tungkol sa Occiput Posterior (OP) Position—isang posisyon kung saan nakaharap ang ulo ng baby sa spine ng ina imbes na sa tiyan. 

Ayon sa mga doctor, hindi naman ito palaging delikado, pero mas matagal ang proseso ng panganganak sa ganitong sitwasyon, at kadalasan ay may mas maraming medical interventions.

Gayunpaman, ayon sa kanyang doktor, may posibilidad pa rin na bumalik sa tamang posisyon ang baby kahit sa mismong araw ng panganganak o habang nasa labor na si Mommy Pat.

Sa pagtatapos ng update, ipinakita ni Mommy Pat ang kanyang huling ultrasound, kung saan makikita ang kanilang little boy. 

Ramdam ang excitement hindi lang ni Mommy Pat kundi pati ng kanyang pamilya, lalo na ni Isla, na malapit nang makilala ang kanyang baby brother!

Have a safe delivery, Mommy Pat! Excited na kaming makita si Baby Ulap! 💙👶

Carmellie Ocampo

Recent Posts

Bring Your Family and Creativity Together This Christmas with TP Kids

The holiday season is all about creating joyful memories with family, and TP Kids has…

10 hours ago

Vien Iligan-Velasquez Shares Snippets of Mavi’s 7th Birthday Celebration

Sa bagong vlog ni Vien Iligan-Velasquez, ibinahagi niya ang emosyonal at masayang selebrasyon ng ika-pitong…

21 hours ago

Viy Cortez-Velasquez Challenges Sexbomb Girls in Kitchen Showdown

Hindi hatawan sa dance floor, kundi hatawan sa kusina ang hatid ng Team Payaman vlogger…

21 hours ago

Netizens Giggle Over Kidlat and Viela’s Cute Bonding Moments

Good vibes at ‘balls of sunshine’ kung tawagin ang magpinsan na sina Alona Viela at…

21 hours ago

Buy More, Slay More with Viyline Cosmetics’ Exclusive Holiday Lip Treat

It’s the season to be festive, and your makeup look should reflect the joy and…

21 hours ago

Ivy Cortez-Ragos Shares Easy Wais-Linis Hack with Twice Cleaner

Sa kanyang bagong vlog, ibinahagi ni Ivy Cortez-Ragos ang isang praktikal at wais na DIY…

2 days ago

This website uses cookies.