This is How Ellen Adarna Champions Mental Health

Trigger Warning: This article contains sensitive topics related to mental health that may trigger some readers. Reader discretion is advised.

Isa sa mga mahahalagang usapin ngayon ay ang usaping mental health, hindi lamang sa loob ng bansa, kung hindi pati na rin sa iba’t-ibang panig ng mundo.

Naging ehemplo ng iilan ang aktres na si Ellen Adarna matapos nitong ibahagi ang kanyang karanasan sa pagpapanatili ng kabutihan ng kanyang kalusugang pangkaisipan.

The Reality

Noong nakaraang taon, tinalakay ng resident Team Payaman doctor na si Doc Alvin Francisco ang kalagayan ng mental health ng aktres na si Ellen Adarna.

Ayon sa aktres, clinically-diagnosed s’ya ng anxiety, depression, at post-traumatic stress disorder (PTSD) dulot ng mga hamong kinaharap n’ya sa kanyang buhay.

Sa isang bagong Facebook reel, nakasama ni Doc Alvin ang asawa ni Ellen Adarna na si Derek Ramsay.

Taas noo nitong ibinahagi kung ano nga ba ang pinagdaanan ng kanyang misis habang nakikipaglaban para sa kanyang mental health.

“Ellen was going through some really tough times. She was taking heavy medications,” kwento ng kanyang mister.

Championing Mental Health

Bukod sa pagiging asawa, isa rin sa motibasyon ni Ellen ay ang kanyang unico hijo na si Elias upang mapabuti ang kanyang mental health.

Ikwinento rin ni Derek ang ilan sa mga hakbang na isinagawa ni Ellen upang labanan ang kanyang anxiety, depression, at PTSD.

“She took off and went to Bali, and did the whole program. Ever since she did it, she’s never been on any medications,” salaysay ni Derek.

Payo ng aktor sa mga manonood, hindi lamang ang pisikal na kalusugan ang dapat bigyan ng pansin, kung hindi pati na rin ang emosyonal at pangkaisipang kalusugan ng bawat isa.

“We don’t realize how this [mind] can really affect us physically,” dagdag pa niya.

Nagbigay dagdag kaalaman si Doc Alvin tungkol sa konsepto ng “biopsychosocial” na tumutukoy sa koneksyon ng pisikal pangangatawan sa emosyong nararamdaman ng isang tao.

“Kapag ang tao ay super depressed, super sad, nagwe-weaken ang immune system, so ang bilis nilang tamaan ng sakit,” paliwanag niya.

Dagdag pa niya, mahalaga ang pagsasagawa ng meditation at pagsali sa iba’t-ibang mental health programs upang makatulong sa pagpapabuti ng nararamdaman.

Para sa mga nakakaranas na gaya ng pinagdadaanan ni Ellen Adarna, ‘wag matakot humingi ng tulong sa mga sumusunod na tanggapan:

National Center for Mental Health Crisis Hotline 

Phone: 1553 
09663514518
09086392672
09190571553
09178998727 

Strong Mind Foundation
0917-4567429
rolandobcortez@gmail.com

Yenny Certeza

Recent Posts

Viy Cortez-Velasquez Wows Netizens With IG-Worthy BKK Snaps

Matapos ang kanilang masayang all-girls trip sa Bangkok, Thailand, isa sa mga hinangaan ng netizens…

17 hours ago

Stay Fresh this ‘Ber Months’ with SNAKE Brand by Viyline

It has been a silent tradition in the Philippines to treat the ‘Ber Months’ as…

17 hours ago

Boss Keng Receives Heartwarming Greetings on His 33rd Birthday

Bilang pagdiriwang ng ika-33 kaarawan ni Boss Keng, ibinahagi ni Pat Velasquez-Gaspar ang kanyang taos-pusong…

3 days ago

Yiv Cortez Expands Business with the Launch of ‘Charms by Yiva’ Bracelet Line

From delicious homemade lasagna and sweet desserts, Yiv Cortez is now expanding her brand, YIVA,…

3 days ago

Ulap Patriel Marks 6th Month Milestone with Moana-Inspired Photoshoot

Muling kinagiliwan ng netizens ang Team Payaman siblings na sina Baby Ulap at Kuya Isla…

3 days ago

Top 3 Viyline Cosmetics Products You Need This ‘Ber’ Season

Now that it’s finally the ‘ber’ season, it only means the holidays are fast approaching,…

3 days ago

This website uses cookies.