Proof that Mommy Riva and Athena Are The Ultimate Mom-Daughter Duo

Bukod sa pagiging aktres, dancer, at vlogger, isa rin ang pagiging hands-on mommy sa mga pinagkakaabalahan ni Riva Quenery.

Tunghayan ang ilan sa mga tagpo na magpapatunay na sina Mommy Riva at Athena ang ultimate mom-daughter duo!

Weekend Together

Sa kanyang bagong vlog, ipinasilip ng 26 anyos na vlogger na si Riva Quenery ang munting weekend recap kasama ang anak na si Athena Rae Ong. 

Habang busy sa kanyang self-love journey, hindi pa rin mawawala ang pagiging hands-on momma ni Riva sa kanyang mini me.

Maging ang pagsuklay sa buhok ni Athena, pagbibihis, at pagsama sa kanya sa paglalaro ay kanya ring ginagawa.

“I’m happy!” nakakatuwang reaksyon ni Athena

Bago tuluyang maglaro, nag-date muna ang mag-ina kasama ang kanilang mga kaanak sa isang restaurant upang sabay silang kumain.

Nakipag-bonding din ito kasama ang pinsan nitong si Baby Clark, anak ng kapatid ni Riva.

Matapos kumain, dinala ni Riva ang anak at ang pamangkin sa isang indoor playground upang maglaro ng arcade games.

Abot-tenga ang ngiti ni Athena nang subukan ang iba’t-ibang aktibidad gaya ng pagsasayaw, paglalaro sa ballpit, at marami pang iba.

Sinigurado ni Mommy Riva na kasama s’ya ni Athena sa lahat ng mga aktibidad na sinubukan nito.

Kinabukasan, sabay na nagsimba at kumain sa labas ang dalawa bilang parte ng kanilang weekend bonding.

Touching Comments

Samantala, marami ang natuwa sa heartfelt mom and daughter bonding na hatid nina Mommy Riva at Athena.

@iramaesantos8719: “Athena is growing so beautiful just like her mom, nakuha nya talaga personality nya sa mom nya, she is so sweet!”

@onlywonie: “I’ve loved you since 2020, but this version of you is definitely my favorite. You have grown so much, ate. Keep growing and flourishing! May God bless you, Athena, and your family. I’ll forever be your fan!”

@iramaesantos8719: “Athena is indeed so lucky to have ate Riva as her mom!”

@chrrywnchl: “I’m happy that you’re back on track ate Riva. I wish you and Athena a happy and healthy 2025. We love you both so much!”

@Jssy012: “Athena’s natural curly hair is so adorable. You will grow as sweet as your mom!”

Watch the full vlog below:

Yenny Certeza

Recent Posts

Viy Cortez-Velasquez Turns Japan Trip Into a Special Experience for Ate Mina

Isang simpleng family trip sa Japan ang naging pagkakataon ng Team Payaman mom na si…

23 hours ago

MassKarambulan: Team Payaman Wild Dogs Take Over Bacolod with Mountain Dew

Isang masayang pagbabalik-tanaw sa kabataan at mga kwentong puno ng tawanan ang hatid ng bagong…

24 hours ago

Dudut Lang Exposes the Truth Behind His 11-Year Relationship and Team Payaman on ‘Galit-Galitan Podcast’!

Mas pinainit ang pinakabagong episode ng Galit-Galitan Podcast ng social media personality na si JB…

1 day ago

Cong TV and Junnie Boy Share Fatherhood Advice with Kevin Hermosada

Bago isalang ang kanyang Baby Austin, sumangguni ang soon-to-be daddy na si Kevin Hermosada kina…

3 days ago

REVERSE SURPRISE: Team Payaman Wild Dogs Surprise Dudut Lang with an Unexpected Guest

Isang hindi inaasahang surprise guest ang bumulaga sa Team Payaman member na si Dudut Lang…

5 days ago

Rolling Into the Spotlight: How Viyline’s Mobile Billboard Builds Excitement for Team Payaman Fair 2026

As Viyline and Team Payaman Fair 2026: VIYond the Beat take the spotlight, a moving…

5 days ago

This website uses cookies.