CHALLENGE ACCEPTED: Angeline Quinto & Viy Cortez-Velasquez’s Showdown of Vocals and Kitchen Skills

Matapos gumawa ng chocolate cake para sa kanilang mga chikiting, muling nagharap aktres at singer na si Angeline Quinto at Team Payaman vlogger na si Viy Cortez-Velasquez sa isang cooking showdown sa bagong episode ng Kusina Wars!

The Cook-Off

Sa ikatlong episode ng Kusina Wars serye ni Viviys, ang hamon sa kanilan ni Angge ay pagluluto ng Pininyahang Manok sa loob ng tatlumpung minuto. 

Biro ni Viy, “Mas magaling na nga siya sa pagkanta, pati ba naman sa pagluluto, ito na nga lang kaya kong ilaban!”

“Gusto mo kasama sa 30 minutes ‘yong pag-uwi ko sa bahay?” sagot naman ng singer.

Habang abala sa paghahanda ng kanilang mga putahe, inamin ni Angeline na bukod sa pagkanta, isa rin sa hilig niya ang pagluluto. 

Nagpalitan din sila ng mga payo para sa isa’t-isa pagdating sa pagiging ina. Isa na rito ang pagbabalanse ng kani-kanilang mga anak lalo pa’t paparating na ang bunso nina Cong TV at Viy.

“Ang alat! Buntis kasi kaya ang alat magtimpla… ang alat!” pabirong reaksyon ni Angeline nang matikman ang luto ni Viviys.

And the Winner is…

Dumating na ang oras ng paghuhusga! Sina Aaron Macacua, a.k.a Burong, Tita Krissy Achino, Cong TV, Yow Andrada, at Kuya Terio ang nasilbing hurado para sa nasabing Kusina Wars episode.

Hindi lang lasa ang kanilang binigyan ng puntos, kung hindi pati na rin ang itsura, amoy, at paraan ng pagluluto.

Sa unang tingin, halos magkapareho raw ang luto ng dalawa. Ang pinagkaiba lang ay mas kita ang gulay sa isa, habang mas kapansin-pansin naman ang manok sa kabila.

Pagdating sa lasa, unang nagbiro si Yow, “Zero ang score ko, hindi kasi ako kumakain ng pinya!” na agad naman sinagot ni Cong, “Pangit ng judge!”

Ayon naman ni Tita Krissy, “Masarap ito, pero parang may kulang sa lasa.” Pabor naman sa luto ni Angeline ang ibang hurado.

“Actually, ito ‘yung pinagkaiba nila—mas creamy ito kaysa sa isa,” komento ni Burong sa Pininyahang Manok ala Viviys. 

Dagdag pa ni Cong, “Hindi siya mamantika, creamy, tsaka may anghang.”

Matapos ang panghuhusga at pagbibigay ng mga puntos, itinanghal na panalo ang inihandang Pininyahang Manok ni Viy.

Watch the full vlog below:

viyline.net

Recent Posts

Make Holiday Gifts Meaningful and Personal with Charms by Yiva

Christmas and New Year, known as the season of giving, inspire many to search for…

1 hour ago

Level Up Year-End Celebration Memorabilia with Viyline Printing Services

​ As the New Year approaches, many Filipino families are seeking unique ways to make…

5 hours ago

Ninong Ry Finally Grants Cong TV and Junnie Boy’s Cravings After Four Years

Matapos ang apat na taon, oras na para tuparin ni Ninong Ry ang kanyang pangako…

2 days ago

Junnie Boy Shares Dad Realizations in Recent ‘Tsuper Dad’ Vlog Episode

Para sa ikatlong episode ng ‘Tsuper Dad’ serye ni Marlon Velasquez Jr., a.k.a Junnie Boy,…

2 days ago

Team Payaman Members Bag Witty Awards at Their Recent Christmas Party

Sa nakaraang Christmas Party ng Team Payaman, hindi lang basta salu-salo ang naganap, nagkaroon din…

2 days ago

Viy Cortez-Velasquez Takes Cong TV on a Spontaneous Husband-and-Wife Adventure

Isang kwela at full-of-adventure vlog ang hatid nina Viy Cortez-Velasquez at mister niyang si Lincoln…

2 days ago

This website uses cookies.