ROAD TO 10M: Win 1 Million Pesos By Joining Von Ordona’s Challenge

Isang exciting na hamon ang handog ng social media content creator na si Von Ordona ng Billionaire Gang sa publiko. 

Tumataginting na isang milyong piso ang kanyang iniaalok sa mananalo sa kaniyang challenge na makakatulong sa kanya na maabot ang kanyang inaasam na sampung milyong YouTube subscribers.

Road to 10M Subs

Sa kanyang vlog, ibinahagi ng Millionaire Gang member na si Von Ordona ang pangmalakasang hamon na makakatulong sa kanyang matupad ang inaasam na sampung milyong subscribers sa YouTube.

Ayon sa 27-year-old vlogger, teamwork lang ang kailangan sa nasabing hamon dahil sa likod ng pagtulong sa kanya mga manonood na maabot ang pinapangarap na subscriber count, tutulungan din niyang maabot ang pangarap ng kanyang lucky winner na mag-uwi ng isang milyong piso. 

Inaanyayahan niya ang lahat, bata man o matanda, babae o lalaki, na sumali sa exciting Social Media Challenge na inihanda ni Von. 

Ayon kay Von, ang kanyang birthday wish ay maabot ang sampung milyong subscribers at matanggap ang coveted Diamond Play Button. 

“Guys, sobrang pangarap ko talagang magka-ten million subscribers at makuha ang Diamond Play Button bago ang birthday ko… June 9th, mag-tu-turn 27 na po ako,” aniya.

How to Join?

Simple lang ang mechanics, mga Kapitbahay! 

Kailangan lang gumawa ng kahit anong uri ng video mapa-shorts man o reels, para sa kahit anong social media platform (TikTok, Instagram, Facebook, YouTube) na naghihikayat sa mga viewers na mag-subscribe sa YouTube channel ni Von Ordona. 

Ang susi dito ay ang pagiging malikhain at pagiging viral. Ang video na may pinakamaraming views ang s’yang tatanghaling panalo! Mangyari lamang gamitin ang official hashtag na #VonSampungMilyon upang mapabilang ang inyong entry.

Binigyang diin ni Von na walang mawawala kung susubukan ang kanyang hamon. Dagdag pa ng kanyang misis na si Carlyn Ocampo, “Kahit anong video ay pwede nilang gawin basta ang point ay kailangan nilang sabihin na mag-subscribe sa’yo at paabutin ka ng ten million subscribers.”

“Kapag meron nang nanalo, itong vault ay dadalhin namin mismo sa bahay niyo at sa mismong pintuan niyo, bubuksan natin ang vault dahil ikaw ang nanalo ng isang milyon,” pangako ng mag-asawa. 

“Kahit saang sulok ng mundo… pupuntahan namin para i-deliver itong 1 million pesos,” dagdag pa nila.

Tara, mga Kapitbahay! Sumali na sa #VonSampungMilyon challenge at maging bahagi ng karera patungo sa 10 million subscribers ng ating Team Payaman friend na si Von Ordona!

Watch the full video here:

Angel Asay

Recent Posts

Bring Your Family and Creativity Together This Christmas with TP Kids

The holiday season is all about creating joyful memories with family, and TP Kids has…

12 hours ago

Vien Iligan-Velasquez Shares Snippets of Mavi’s 7th Birthday Celebration

Sa bagong vlog ni Vien Iligan-Velasquez, ibinahagi niya ang emosyonal at masayang selebrasyon ng ika-pitong…

22 hours ago

Viy Cortez-Velasquez Challenges Sexbomb Girls in Kitchen Showdown

Hindi hatawan sa dance floor, kundi hatawan sa kusina ang hatid ng Team Payaman vlogger…

23 hours ago

Netizens Giggle Over Kidlat and Viela’s Cute Bonding Moments

Good vibes at ‘balls of sunshine’ kung tawagin ang magpinsan na sina Alona Viela at…

23 hours ago

Buy More, Slay More with Viyline Cosmetics’ Exclusive Holiday Lip Treat

It’s the season to be festive, and your makeup look should reflect the joy and…

23 hours ago

Ivy Cortez-Ragos Shares Easy Wais-Linis Hack with Twice Cleaner

Sa kanyang bagong vlog, ibinahagi ni Ivy Cortez-Ragos ang isang praktikal at wais na DIY…

2 days ago

This website uses cookies.