Viy Cortez-Velasquez’s Secret to a Healthier Pregnancy

Bukod sa kanyang youthful glow, hindi maipagkakaila na malusog ang pagbubuntis ng Team Payaman vlogger na si Viy Cortez-Velasquez sa unica hija niyang si Baby Tokyo.

Alamin kung ano nga ba ang sikreto ni Viviys sa pag-achieve ng kanyang healthy pregnancy journey.

Active Lifestyle

Kamakailan lang ay lumipad patungong Japan sina Viy Cortez-Velasquez, Lincoln Velasquez, a.k.a Cong TV, at anak nilang si Zeus Emmanuel Velasquez, a.k.a Kidlat

Ayon sa soon-to-be mom of two, araw-araw ay aktibo ang mga ito sa paglalakad dala ng pamamasyal sa nasabing bansa. 

Dahil patuloy pa rin itong nag-iingat sa kanyang pagbubuntis, nagbabaon pa rin siya ng wheelchair kung sakaling makaramdam ito ng pagod. 

Bukod dito, aktibo rin si Viviys pagdating sa pagluluto, pagtatrabaho, at pakikipag-bonding kay Kidlat.

Delicious Meals

“Happy wife, happy life,” ika nga nila, at ito ang pinapatunayan ng pagkain ng masasarap na pagkain para kay Mommy Viy.

Isa sa mga paraan ni Mommy Viy sa pagpapanatiling malusog sila ni Baby Tokyo ay ang pagkain ng kanyang pregnancy cravings.

Minsan na nitong nasama ang anak na si Kidlat sa kanyang recent cooking vlog, na kung saan nagluto ang mga ito ng baked macaroni at sandwich.

Healthy Drink

Isa rin sa mga sikreto ni Viviys sa pagkamit ng malusog na pagbubuntis ay ang pag-inom nito ng Barley.

Kwento nito, ang Salveo Well Barley Juice ang nakatulong sa kanya malabanan ang nararamdaman nang dapuan ito ng sakit noong Enero.

“Ang sama ng pakiramdam ko noong first week of January. Ang sabi n’ya [ng doktor ko], mag Barley daw ako everyday,” kwento ni Viviys.

Ayon sa kanya, nakatulong ang nasabing inumin sa pagpapabuti hindi lamang ng kanyang kalusugan, kung hindi pati na rin ng mga kasamahan nito sa loob ng Congpound.

“‘Yung lasa n’ya, alam mong healthy na!” dagdag nito.

Yenny Certeza

Recent Posts

Viyline MSME Caravan Brings Festive Fun to SM Center San Pedro

​ The most wonderful time of the year is starting early! Prepare for a burst…

12 hours ago

Team Payaman and Team Harabas Go Night Dive Spear Fishing in Occidental Mindoro

Isang kakaibang biyahe ang hatid ng Team Payaman vlogger na si Boss Keng sa kanyang…

14 hours ago

Clouie Dims and Pat Pabingwit Take On the ‘One Shot, One Makeup’ Challenge

Mas naging masaya at mas makulit ang bagong vlog ni Clouie Dims matapos niyang makasama…

2 days ago

Yiv Cortez Wows Netizens with Her Rendition of ‘Ligaw Tingin’

Kilala si Yiv Cortez bilang bunsong kapatid ni Viy Cortez-Velasquez, ngunit lingid sa kaalaman ng…

2 days ago

Viy Cortez-Velasquez Wows Viewers with an Unexpected Collaboration Vlog

Ginulat ng Team Payaman vlogger na si Viy Cortez-Velasquez ang mga manonood nang ilabas niya…

5 days ago

Vien Velasquez Proudly Shares Alona Viela’s Birthday Celebration Snippets

Matapos ang ikapitong kaarawan ni Mavi noong Nobyembre, sunod namang ipinagdiwang ng pamilya Iligan-Velasquez ang…

5 days ago

This website uses cookies.