Netizens Applaud Team Payaman’s Geng Geng for Fulfilling His Sibling’s Laptop Dreams

Bukod sa pagiging masunurin sa kanyang Kuya Cong at Ate Viviys, pinatunayan ng Team Payaman member na si Geng Geng isa rin siyang mapagbigay na kapatid. 

Umani ng samu’t saring papuri at paghanga mula sa mga netizens si Geng Geng matapos niyang tuparin ang hiling ng kapatid na magkaroon ng bagong laptop para sa kanyang pag-aaral. 

Selfless & Responsible

Sa kanyang bagong TikTok video, ikinuwento ni Kevin Cancamo, o mas kilala bilang si “Geng Geng”, na ang kanyang nakababatang kapatid ay tila humihiling ng bagong laptop na kanyang gagamitin sa eskwelahan. 

“Nung nakaraang taon kasi, nag-request ‘yung kapatid ko. Magka-college na kasi siya eh, ang dami na niyang ginagawa. So kailangan niya talaga ng laptop,” bungad ni  Geng Geng.

“Sabi ko wala akong pera. Syempre, may ipon ako. Wala akong pakialam kung maubos ang pera ko, kung para naman sa pag-aaral niya, okay lang. Masaya ako dun,” dagdag pa niya.

Sa nasabing video, ipinakita rin ni Geng Geng ang pagbili niya ng bagong laptop sa mall habang sinasambit na sana magkasya ang dala niyang pera. 

“Sana umabot ‘yung pera natin sa laptop. May Php 68,000 or Php 100,000, hindi para sa amin ‘yung laptop na ‘yun. Wala kaming pera,” kwento nito

Matapos makabili ay ibinahagi rin ni Geng Geng ang naka-aantig na reaksyon ng kanyang nakababatang kapatid nang malamang may bago na siyang laptop na magagamit sa eskwelahan. 

Bukod sa regalo nitong laptop, nag-abot din si Geng Geng ng pambaon para sa kanyang isa pang kapatid.

“Baon niyo ‘yan ah. ‘Wag na kayong manghingi kay Mama,” payo ni Geng kanyang kapatid. 

Netizens’ Reactions

Bagamat estudyante lang din at wala pang pormal na trabaho si Geng, hindi pa rin niya kinakalimutan na tumulong sa kanyang pamilya, dahilan upang makatanggap ito ng papuri mula sa mga netizens.

@Ms. Dhane: “Cong TV must be very proud of Geng”

@dainakara: “Napaka-angas! Kahit part si Cong TV ng Acer, hindi siya umaasa kay Cong or sa kahit sinong TP member—sariling sikap pa rin!”

@angprobinsiyana: “Pay it forward, ika nga. Hindi kailangan ibalik literally kila Cong. Pero pwede mo gawin ‘yung ginagawa sayo sa iba. Kudos sa’yo, Geng.”

@era.krisha: “BEST KUYA!! Sana dumami pa ang blessings sa buhay mo Genggeng. Stay grounded and keep on fulfilling your dreams and your fam. SO PROUD!”

Watch the full video here:

Alex Buendia

Recent Posts

REVERSE SURPRISE: Team Payaman Wild Dogs Surprise Dudut Lang with an Unexpected Guest

Isang hindi inaasahang surprise guest ang bumulaga sa Team Payaman member na si Dudut Lang…

6 hours ago

Rolling Into the Spotlight: How Viyline’s Mobile Billboard Builds Excitement for Team Payaman Fair 2026

As Viyline and Team Payaman Fair 2026: VIYond the Beat take the spotlight, a moving…

13 hours ago

Celebrate Cong TV’s Birthday With Team PYMN Clothing’s Newest ‘Lincoln Club Collection’

Team Payaman Fans, get ready for another exciting streetwear drop! Cong TV’s apparel brand, Team…

2 days ago

Team Payaman’s PAAWER Couple CongViy Battles Celebrity Loveteam JoshLia in ‘Kusina Wars’

Isang nakakakilig na episode ang hatid ni Viy Cortez-Velasquez sa kanyang “Kusina Wars” vlog matapos…

2 days ago

Viy Cortez-Velasquez Takes House Angels To A Delicious Food Adventure With Kidlat and Tokyo

Isang masayang food adventure ang hatid ni Mommy Viy Cortez-Velasquez kasama ang mga house angels…

3 days ago

VIEN DIARIES: Vien Iligan-Velasquez Takes Viewers To A Quick Pickleball Serye in Cebu

Isang Cebu adVIENture ang hatid ni Vien Iligan-Velasquez matapos nilang dumayo sa nasabing probinsya upang…

3 days ago

This website uses cookies.