Bago matapos ang taon, lumipad pa-Japan ang pamilya nina Boss Keng at Pat Velasquez-Gaspar upang magbakasyon.
Bukod sa pamamasyal, isang hindi malilimutang Japan trip surprise ang hatid ni Boss Keng sa kanyang misis.
Sa kanyang bagong vlog, ipinasilip ng Team Payaman vlogger na si Exekiel Christian Gaspar, a.k.a Boss Keng, ang pagtupad niya sa pangarap ng asawa.
Ayon kay Boss Keng, matagal nang gusto ng asawa nitong si Pat Velasquez-Gaspar ng bagong vlogging camera.
Kwento ng kanyang editor, nag-renta si Pat ng camera na kanyang dinala sa Japan para sa kanyang travel vlogs.
“‘Di na s’ya magre-rent. Gustong gusto n’ya ‘to. Regalo ko na lang kay Pat ‘to ngayong pasko!” ani Boss Keng.
Matapos mamasyal at mag-food trip, hindi na pinatagal pa ni Boss Keng ang surpresa nito para sa asawang si Pat.
Abot tenga ang ngiti ni Pat nang malamang may advanced Christmas gift ang mister para sa kanya.
“Wow! Taray naman! Grabe naman oy!” reaksyon ni Pat nang mahawakan ang bago niyang DJI Osmo Pocket 3.
Ayon sa kanya, minabuti nitong hindi muna bumili ng bagong vlogging camera dahil hindi pa n’ya ito prayoridad.
“Hindi ko pa kasi ‘to priority, tsaka ang dami kasi nating camera,” kwento niya.
Laking tuwa naman nito ng tuparin ni Boss Keng ang isa sa kanyang mga Christmas wishes.
Marami ang natuwa at kinilig sa pangmalakasang Christmas gift ni Boss Keng para sa asawa.
@ameerhannie6159: “Iba talaga kapag Boss Keng ang nag-regalo!”
@rizielgarcia3248: “Grabe sis [iba talaga si] Boss Keng magmahal! [I] love you my favorite couple sa Team Payaman!”
@RubyAnnLaurente-z8p: “God bless po sa inyo mag asawa!”
Watch the full vlog below:
The holiday season is all about creating joyful memories with family, and TP Kids has…
Sa bagong vlog ni Vien Iligan-Velasquez, ibinahagi niya ang emosyonal at masayang selebrasyon ng ika-pitong…
Hindi hatawan sa dance floor, kundi hatawan sa kusina ang hatid ng Team Payaman vlogger…
Good vibes at ‘balls of sunshine’ kung tawagin ang magpinsan na sina Alona Viela at…
It’s the season to be festive, and your makeup look should reflect the joy and…
Sa kanyang bagong vlog, ibinahagi ni Ivy Cortez-Ragos ang isang praktikal at wais na DIY…
This website uses cookies.