Kamakailan lang ay personal na ginawan ng Team Payaman cook na si Ninong Ry ang renowned world-class chef na si Gordon Ramsay ng Halo-Halo sa kanyang pagbisita sa bansa.
Dahil nalalapit na ang tag-araw, ito ang tamang pagkakataon upang alamin kung paano nga ba gumawa ng Gordon Ramsay-approved Halo-Halo ala Ninong Ry.
January 20 ngayong taon nang unang maka daumpalad ng chef content creator na si Ryan Morales, a.k.a Ninong Ry ang world-class culinary star na si Chef Gordon Ramsay.
Nabigyan ng pagkakataon si Ninong Ry na bumida sa isang ‘Masterchef’-inspired show nito na ginanap sa bansa.
Bilang parte ng programa, sumalang siya sa isang mini cook-off kasama ang ilan sa mga culinary professionals gaya nina Judy Ann Santos-Agoncillo at Danica Lucero.
Upang mas makilala ang kulturang Pilipino, nagharap-harap ang mga contenders sa isang Halo-Halo making challenge, na kung saan si Gordon Ramsay ang nagsilbing hurado ng tatlo.
Dahil umani ng mga positibong komento mula sa netizens, walang pagdadalawang-isip na ibinahagi ni Ninong Ry ang recipe ng kanyang Halo-Halo sa isang TikTok video.
Una niyang ipinahid ang coco jam sa paligid ng baso, at sunod niyang nilagyan ng rice crispies upang magsilbing base ng kanyang Halo-Halo.
Hindi nawala ang macapuno, minatamis na beans, minatamis na monggo, leche flan, at nata de coco sa mga key ingredients ng kanyang Halo-Halo.
Sunod na inilagay ni Ninong Ry ang mga pinong yelo, na kanyang dinagdagan ng Dulce de Leche, latik, at evaporated milk sa ibabaw.
Matapos gawin ang Halo-Halo, ipinahatid ni Ninong Ry ang kanyang pasasalamat sa celebrity chef.
“Chef Gordon Ramsay, I just wanna say thank you for the experience, and I hope you come back to the Philippines. I love you, Mr. Gordon Ramsay,” mensahe niya.
Watch the full video below:
As Viyline and Team Payaman Fair 2026: VIYond the Beat take the spotlight, a moving…
Team Payaman Fans, get ready for another exciting streetwear drop! Cong TV’s apparel brand, Team…
Isang nakakakilig na episode ang hatid ni Viy Cortez-Velasquez sa kanyang “Kusina Wars” vlog matapos…
Isang masayang food adventure ang hatid ni Mommy Viy Cortez-Velasquez kasama ang mga house angels…
Isang Cebu adVIENture ang hatid ni Vien Iligan-Velasquez matapos nilang dumayo sa nasabing probinsya upang…
For fans who have spent years watching their favorite Filipino content creators through vlogs, livestreams,…
This website uses cookies.