Team Cortez-Velasquez’s Priceless Reaction Upon Seeing Baby Tokyo in 4D

Ilang buwan na lang ay madadagdagan na ang munting pamilya ng Team Cortez-Velasquez sa pagdating ng bunso nitong si Baby Tokyo.

Bilang paghahanda sa panganganak ni Viy Cortez-Velasquez, sama-samang sinilip ng mga ito si little Viviys, at ito ang ilan sa kanilang mga reaksyon.

4D Ultrasound

Sa kanyang bagong bagong TikTok upload, ipinasilip ng soon-to-be mom of two na si Viy Cortez-Velasquez ang 6th-month check-up niya at ni Baby Tokyo.

Ayon kay Viviys, ito ang ikalawang beses na makikita ng kanilang pamilya si Baby Tokyo tatlong buwan bago ito tuluyang isilang.

Kasama nito ang asawa na si Lincoln Velasquez, a.k.a Cong TV, at unico hijo nilang si Zeus Emmanuel Cortez Velasquez, a.k.a Kidlat.

“Si Kidlat, ikaw na ang kamukha. This time, ako naman!” hirit ni Viviys sa asawa.

Noon pa man, Hello Baby Ultrasound na ang takbuhan ng Team Payaman parents pagdating sa 4D ultrasound ng TP chikitings. 

Agad na sumalang sa 4D ultrasound si Mommy Viy dala ng kanyang excitement na makita ang kanyang unica hija.

Isa pa sa mga kinagalak niya ay ang pagkakataon na makita ni Kidlat ang kanyang nakababatang kapatid.

“Kidlat, makikita mo na si Tokyo!” saad ni Viy.

Family’s Reaction

Nang masilayan na si Baby Tokyo, hindi napigilan nina Daddy Cong at Mommy Viy na matuwa sa kanilang mga nakita.

Gaya ng excited parents, abot-tenga rin ang ngiti ni Kidlat nang makita ang kanyang kapatid sa harap ng ultrasound screen.

“Si Tokyo ‘yan Kidlat! Your baby sister, parang si Viela. Ayan oh, nasa tiyan ni Mommy. [Ang] cute,” reaksyon ni Daddy Cong.

“Parang parehas na naman ng mata ni Viviys,” dagdag pa niya.

Hindi na rin naitago ni Mommy Viy ang nararamdaman matapos mapagtanto ang pagkahawig ni Baby Tokyo sa kanya.

“Ang ganda ganda mo anak,” ani Viviys.

Netizens’ Reactions

Hindi rin nagpahuli ang mga netizens sa kanilang mga reaksyon nang masilayan si Baby Tokyo.

@mami_kats: “Kamukha ng mommy!”

@shiela_dc: “HAHAHAHAHAHAH di na naman kamukha ng kapitbahay nyo!”

@itschu.edsay: “Kamukhang kamukha mo!”

@zhel_ieee: “Kamukha na ng mommy!”

Watch the full video below:

Yenny Certeza

Recent Posts

Netizens Applaud Cong TV’s Simple Yet Memorable Bonding with Kidlat

Muling kinaaliwan ang father-and-son duo na sina Cong TV at Kidlat matapos nilang ibahagi ang…

1 day ago

Dudut Lang Launches First-Ever ‘Dudut’s Kitchen Awards’

Tuloy-tuloy ang pagpapakitang-gilas ng resident chef ng Team Payaman na si Jaime Marino De Guzman,…

2 days ago

Vien Iligan-Velasquez Shares Family’s Intimate New Year’s Eve Celebration

Matapos ang pasko, bagong taon naman ang sunod na ipinagdiwang ng pamilya Iligan-Velasquez sa loob…

2 days ago

Junnie Boy Embraces Daddy Duties and Family Life in Latest Vlog

Sa paglipat ng pamilya Iligan-Velasquez sa kanilang bagong tahanan, ibinahagi ng Team Payaman vlogger na…

2 days ago

Viy Cortez-Velasquez and Tita Krissy Achino Face Zeinab Harake-Park’s ‘Don’t Flinch’ Challenge

Isang pasabog ang dala ni Zeinab Harake-Parks sa kaniyang recent YouTube vlog kung saan hinamon…

3 days ago

Double the Charm: Tokyo Athena and Kidlat Steal Hearts in Recent Milestone Shoot

Mas dumoble ang saya at kakulitan sa ninth month milestone photoshoot ng magkapatid na Tokyo…

3 days ago

This website uses cookies.