Viy Cortez-Velasquez’s Hot Take on Being a Strong, Independent Woman

Bukod sa pagiging hands-on na ina at asawa, isa ring content creator at business owner ang Team Payaman vlogger na si Viy Cortez-Velasquez.

Alamin kung paano nga ba napagsasabay ni Viy ang mga ito, at kung ano ang kanyang paliwanag sa paniniwala ng isang strong, independent woman. 

Hardworking Momma

Sa isang Facebook post, nagbahagi ang VIYLine CEO na si Viy Cortez-Velasquez ng motivational quote patungkol sa pagiging isang masipag na ina.

“Chasing dreams while raising babies. We got this momma!” ani Viviys.

Sa nasabing post, maraming kapwa-ina ang na-inspire sa angking sipag ni Viy sa pagtatrabaho habang ipinagbubuntis ang bunso nitong si Baby Tokyo.

Magmula sa pagiging hands-on na ina kay Kidlat at asawa kay Lincoln Velasquez, a.k.a Cong TV, naisasabay pa nito ang pagtatrabaho sa negosyo nitong VIYLine Group of Companies. 

KingLing Juars: “Fighting Ma’am! I’m [also] a  mom of two and working at the same time”

Nicole Santiago-Gonzales: “Yas girl! Preggy working momma here!”

Joy Echon Dela Cruz: “Fighting, Working Mums!”

Strong, Independent Woman

Isang kontrobersyal na TikTok post naman ang binigyang pansin ni Viy matapos nitong makita ang mga komento ng netizens pagdating sa pagiging isang strong, independent woman. 

Ani Viy Cortez, nais niyang maging ehemplo ng isang strong, independent woman sa pamamagitan ng pagiging isang working wife. 

“Ayokong i-asa [lahat] sa asawa ko kasi ayoko s’yang mangarag. Pero lagi ko namang sinasabi sa mga vlog ko, ang asawa ko, sure ako, kapag dumating ang panahon na hindi nag-work ‘tong mga ginagawa ko, alam kong kaya akong buhayin ng asawa ko,” paliwanag nito.

Payo pa nito sa kanyang mga kapwa babae na huwag i-asa sa asawa ang pagkakaroon ng magandang buhay, bagkus, pagsumikapan at pagtulungan ang pagkamit nito. 

“Hindi daan ang pagkakaroon ng asawa para magkaroon ng marangyang buhay,” payo ni Viviys.

“Kanya-kanya ‘yan, depende sa usapan ninyo, mayroon kasing lalaki, ang gusto house wife [ka], mayroon naman na lalaki na gusto magtrabaho parehas. So kanya-kanyang trip mag-asawa ‘yan,” dagdag pa niya.

Naniniwala rin ang soon-to-be mom of two sa prinsipyo ng 50-50 na hatian nila ni Cong pagdating sa mga gastusin sa bahay.

“Ayoko maging tamad, gusto ko, 50-50 kami. Pag nasanay ako na mas malaki ang pino-provide n’ya, paano ko s’ya bubuhayin? At least ngayon, alam kong kaya ko” paliwanag pa nito.

Watch the full video below:

Yenny Certeza

Recent Posts

Viy Cortez-Velasquez Elevates ‘Sugod Nanay Gang’ Series In Barangay Edition

Matapos ang matagumpay na pilot episode ng ‘Sugod Nanay Gang,’ muling nagbalik ang Team Payaman…

13 hours ago

Team Payaman’s Burong Shares a Glimpse of Kontrabida Moves and Pickleball Fun

Sa pinakabagong vlog ni Aaron Macacua a.k.a. Burong, ibinahagi niya ang ilan sa mga kanyang…

13 hours ago

Doc Alvin Francisco Fulfills Dreams of Future Doctors Through Scholarship Initiative

Kamakailan, ibinahagi ng Team Payaman resident doctor na si Alvin John Francisco sa kanyang YouTube…

5 days ago

Alex Gonzaga-Morada Surprises Husband Mikee Morada with an Office Visit

Sa pinakabagong vlog ng Filipino actress at comedian na si Alex Gonzaga-Morada, ibinahagi niya sa…

6 days ago

Netizens Applaud Pat Velasquez-Gaspar After Sharing First Hosting Experience

Bukod sa kanyang tungkulin bilang asawa at ina, ipinakita ni Pat Velasquez-Gaspar ang kanyang skill…

6 days ago

Viyline Media Group Partners with Opulent Beauty for Team Payaman Fair 2025 in Cebu

Viyline Media Group is bringing its highly anticipated Team Payaman Fair to Cebu for the…

7 days ago

This website uses cookies.