Team Payaman’s Yow Andrada Reveals How Music Changed His Life

Inimbita ni Douglas Brocklehurst, a.k.a. DougBrock sa kanyang bagong sit-down podcast episode ang musician at tinaguriang “Content Material” ng Team Payaman na si Yow Andrada

Dito ay pinagusapan nila ang buhay ni Yow bilang isang working-student, Team Payaman vlogger, at kung paano siya nahumaling sa mundo ng musika.

Becoming Yow

Music saved me.

Noong tinanong si Yow kung anong klaseng kabulakbulan ang inaatupag niya bilang isang estudyante, ang tanging nasagot niya ay banda.

Kwento ni Yow, lumago ang hilig niya sa musika dahil halos lahat ng kanyang mga kaklaseng lalaki noong high school ay marunong maggitara. 

Dagdag pa rito, isa sa kanyang kaibigang may kaya ay kumpleto sa samu’t saring musical instruments, kung saan din niya natutunan at nahubog ang kanyang drums at bass guitar skills.

Mula dito, siya na ang tumayong bassist ng iba’t ibang bandang kanyang sinalihan bilang estudyante.

Sa kabila ng hirap ng buhay noon at hirap na bumili ng sariling mga instrumento, ibinahagi ni Yow na passion at skills lang ang kanyang pinanghahawakan upang magpatuloy. 

I will lean on my skills, not the equipment. Kahit pangit ‘yung bass ko, magaling naman ako,” ani Yow.

Huwag mo lang talagang titigilan. Gawin niyo lang ang gusto niyo, and everything will follow,” dagdag pa niya. 

Dream come true

Kalaunan ay nagkaroon na si Yow ng sariling pera para makabili ng sariling mga instrumento at bumuo ng sarili niyang mga kanta, hindi naman niya pinalampas makapagpaabot ng pasasalamat sa tumulong sa kanya.

Shoutout kay Tita Regie, kase binilhan niyo po si Pau ng buong gamit. So ito na po ngayon, nagrerecord na po ako ng kanta. Medyo malayo na pero malayo pa,” mensahe ni Yow.

To all the parents who have an opportunity to provide musical instruments to your kids, please do so because Art is a very beautiful thing. It is everyone’s best friend,” dagdag na mensahe naman ni DougBrock.

Noong tinanong naman ni DougBrock kung ano ang naging pangarap niya noon, binalikan lamang ni Yow ang hindi malilimutang karanasan ng kanilang bandang COLN, kasama ang Team Payaman headmaster na si Lincoln Velasquez, a.k.a. Cong TV. 

Nakwento ni Yow ang isa sa kanyang imahinasyon noon mula sa iisang kantang “Crazy for You” ng Sponge Cola na paulit ulit niya lamang tinutugtog, ay naisakatuparan noong tumugtog sila ng bandang COLN sa Rakrakan Festival

Yung ilaw, ‘yung init ng mga tao, ‘yung sigawan nila, ‘yung talunan, kahit alikabok, at ingay ng drums sa likod ko,  lahat ‘yun na-imagine ko,” ani Yow. 

Nitong Agosto lang, ang kantang “Hayaan” ng kanya namang sariling bandang Yno ay kabilang sa mga finalist sa Best Alternative Recording category ng 37th Awit Awards, kasama ang iba pang tanyag na finalists gaya nina Lola Amour,  Juan Karlos Labajo, at Sunkissed Lola.

Ibinahagi rin ni Yow ang mga dapat abangan mula sa kanya at sa kanyang banda para sa susunod na taon.

Lately, I’m into music kasi nagrecord ako ng bagong song, dalawa. It’s in the mix na, I’m putting some colors na lang. Definitely, I’ll get back on it by January.

Watch the full video here: 

Alex Buendia

Recent Posts

Velasquez-Gaspar Family Sees Second Baby For The First Time Through 3D Ultrasound

Isang makulay na kabanata ang ibinahagi ng Velasquez-Gaspar Family sa pinakabagong YouTube vlog ni Mommy…

3 hours ago

Mavi and Viela Flex Swimming Skills in Recent Legoland Waterpark Malaysia Trip

Bilang pagdiriwang ng ika-anim na kaarawan ng panganay nina Junnie Boy at Vien Iligan-Velasquez na…

1 day ago

4 Must-Visit Places in Hubei, China According to Clouie Dims

Sa kanyang bagong YouTube vlog, ibinahagi ng Team Payaman content creator na si Clouie Dims…

1 day ago

Special Offers You Should Not Miss at Team Payaman Fair This December

In less than two weeks, the third leg of the Team Payaman Fair will finally…

3 days ago

THROWBACK: How Team Payaman Navigated Pandemic Scare Into Content Creation Opportunity?

Isa sa mga hindi malilimutang “era” ng solid Team Payaman fans ay ang taong 2020,…

4 days ago

This is How Much a Signed Team Payaman Shirt Costs

Sa kauna-unahang pagkakataon, nagkaroon na ng limited-edition Team Payaman memorabilia ang binubuong museum ng content…

5 days ago

This website uses cookies.