This is How Much a Signed Team Payaman Shirt Costs

Sa kauna-unahang pagkakataon, nagkaroon na ng limited-edition Team Payaman memorabilia ang binubuong museum ng content creator na si Boss Toyo.

Alamin ang kasaysayan sa likod ng nasabing Team Payaman item at kung magkano nga ba ang halaga nito.

Limited Edition TP Shirt

Sa bagong vlog ng content creator na si Jayson Luzadas, o mas kilala bilang si Boss Toyo, binisita siya ng Kris Aquino Impersonator ng Team Payaman na si Chino Liu, a.k.a Tita Krissy Achino.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na may bumisitang Team Payaman member na nagnais maghandog ng Team Payaman item sa binubuong museo ni Boss Toyo.

Bago pa man bumisita si Tita Krissy, nauna na si Yow na nagbalak na magdala ng Team Payaman item para sa nasabing vlogger.

Ani, Tita Krissy, bukod sa kanyang kikitain, nais din nitong magkaroon ng kahit isang Team Payaman item sa loob ng museo ni Boss Toyo.

“I just wanted Team Payaman to be part of your museum,” paliwanag nito.

Isang damit na nasa loob ng frame na nagmula sa Cong Clothing na may naka-imprentang “Team Payaman” na naglalaman ng mga pirma ng kanyang TP members ang dala-dala ni Tita Krissy.

Taong 2023 nang ito’y papirmahan ni Tita Krissy sa kanyang mga kasamahan, dahilan upang maging bago pa ang kanyang item.

Kwento nito, kanya itong isinabit sa kanyang bahay katabi ng ilan sa kanyang mga achievements bilang pag-alala sa nasabing grupo ng mga vloggers. 

“This is a one-of-one because ito ay hindi nila nilabas. Walang ganitong design. We didn’t release it kasi, alam mo si Cong, very metikuloso ‘yon sa design,” kwento nito.

Magmula kay Cong TV, Viy Cortez-Velasquez, Junnie Boy, Boss Keng, hanggang kay Pat Velasquez-Gaspar, ay nakasulat ang mga pirma nito.

Sa isang Facebook post, hindi naman napigilan ni Viviys na biruin ang kaibigan matapos nitong mapanood ang vlog ni Boss Toyo.

“Sabi mo may nagpapapirma lang sayo, bebenta mo pala kay boss toyo! Chino Liu HAHAHAHAHAHAHHAHAHAHA,” biro nito.

“Naka limang papirma yan. Bale limang ganyan ang ibebenta niya! Ang galing mo talaga chino! Hahaha,” hirit pa ni Pat Velasquez-Gaspar.

The Real Price

Matapos ang pagkilatis sa kalidad ng nasabing item, nagsimula nang magbigayan ng presyo sina Tita Krissy at Boss Toyo.

Upang masiguro na totoo nga ang mga pirma, personal na tinawagan nina Tita Krissy, Boss Toyo, at Lhoves Joy si Cong TV upang kumpirmahin ito.

“Pirma ko ‘yan boss!” sagot ni Cong.

Sa una ay nahirapan pang presyuhan ni Tita Krissy ang kanyang limited-edition 1 of 1 Team Payaman Shirt.

“This is like worth P20,000” unang presyo ni Tita Krissy.

Tumawad si Boss Toyo sa halagang P10,000. Ngunit nagtagpo ang dalawa sa halagang P18,000.

“P18,000 kasi swerte ang 8!” aniya.

Natuwa naman sina Boss Toyo nang mapasakamay na ng mga ito ang kauna-unahang Team Payaman item para sa kanilang collection.

Watch the full vlog below:

Yenny Certeza

Recent Posts

Celebrate Cong TV’s Birthday With Team PYMN Clothing’s Newest ‘Lincoln Club Collection’

Team Payaman Fans, get ready for another exciting streetwear drop! Cong TV’s apparel brand, Team…

16 hours ago

Team Payaman’s PAAWER Couple CongViy Battles Celebrity Loveteam JoshLia in ‘Kusina Wars’

Isang nakakakilig na episode ang hatid ni Viy Cortez-Velasquez sa kanyang “Kusina Wars” vlog matapos…

1 day ago

Viy Cortez-Velasquez Takes House Angels To A Delicious Food Adventure With Kidlat and Tokyo

Isang masayang food adventure ang hatid ni Mommy Viy Cortez-Velasquez kasama ang mga house angels…

2 days ago

VIEN DIARIES: Vien Iligan-Velasquez Takes Viewers To A Quick Pickleball Serye in Cebu

Isang Cebu adVIENture ang hatid ni Vien Iligan-Velasquez matapos nilang dumayo sa nasabing probinsya upang…

2 days ago

Ready to Feel the Beat? Why Team Payaman Fair 2026: VIYond The Beat Should Be on Your Holiday Bucket List

For fans who have spent years watching their favorite Filipino content creators through vlogs, livestreams,…

2 days ago

Cong TV and Viy Cortez-Velasquez Become the New Faces of MARSTEK Philippines

Panibagong endorsement ang hatid ng Team Payaman PAAWER Couple na sina Cong TV at Viy…

2 days ago

This website uses cookies.