Team Payaman’s Clouie Dims Explores China for the First Time

Walang katapusang adventure ang hatid ni Clouie Dims sa kanyang YouTube channel, kung saan ibinahagi niya ang na-experience na group tour sa China kasama ang mga kaibigan kabilang na ang TP Friend at kapwa vlogger na si Jai Asuncion.

Iconic Wuhan

Ibinida ni Clouie ang mga kakaibang lugar na kanilang binisita sa Hubei, isang probinsiya sa China, kabilang na ang iconic place na Wuhan City, kung saan nagmula ang paglaganap ng COVID-19. 

“Covid… ito talaga yung nagpatigil ng mundo natin. 2 to 3 years din tayong nakakulong, napipigilan lahat ng kilos natin, talagang ‘di natin alam kung paano tayo makakalagpas… at dito yun [nagsimula] kung nasan kami ngayon. Nandito kami ngayon para kumustahin ang Wuhan after the pandemic. Sino bang mag-aakalang pupunta tayo dito?” natatawang bungad ni Clouie sa kanyang latest vlog.

Napagdesisyunan ng grupo na mag-explore sa Hubei ng limang araw upang maranasan ang kasalukuyang buhay sa lugar matapos ang mga hindi inaasahang pangyayari sa mga nakaraang taon.

Day 1

Pagkatapos ng isang “smooth flight,” agad nilang sinimulan ang kanilang adventure. 

“Wala nang intro-intro. Museum na agad,” biro ni Clouie habang nasa kanilang first destination. 

Pagkatapos ng ilang oras ng paglilibot, tumuloy sila sa susunod nilang destinasyon sa Yangtze Riverside, na kilala bilang ikatlong pinakamahabang ilog sa buong mundo.

Hindi rin nila pinalampas ang pagkakataon na tikman ang mga masasarap na Chinese cuisine sa kanilang early dinner. Pagkatapos nito, sumama sila sa isang Glory Cruise Ship experience, isa sa mga kilalang atraksiyon sa Yangtze. 

“Sobrang ganda dito. Sobrang underrated. Sobrang underrated nitong Wuhan, as in sobrang ganda. Day 1 pa lang namin pero sobrang na-amaze na ako…” dagdag pa ni Clouie.

Day 2

Sa Day 2 ng kanilang China trip, ipinagpatuloy nila ang kanilang adventure sa Dream Water Town sa Wuzhen Dongzha, isang lugar na kilala sa tahimik nitong ambiance. Dito, nasaksihan nila ang isang tradisyunal na Chinese wedding na lalong nagpaganda ng kanilang moments.

Matapos ang tanghalian, dumiretso sila sa King Chu’s Mausoleum at pagkatapos ay nagpunta na sila sa Yichang City, kung saan ipinagpatuloy nila ang kanilang exploration at nakatagpo pa ng higit pang mga kamangha-manghang tanawin at aktibidad para sa mga susunod na araw.

Huwag palampasin ang mga susunod pang adventures ni Clouie sa kanyang YouTube channel!

Watch the full vlog here:

Angel Asay

Recent Posts

Harake Siblings Reveals The Real Story Behind Zeinab’s ‘Arat Na!’

Isa ang mga katagang “Arat Na!” sa mga tumatak sa mga manonood ng vlogger na…

8 hours ago

Inclusive Fashion: Ivy’s Feminity to Launch New Everyday-Wear Collection For Men and Women

Known for their Instagrammable and affordable women’s OOTD selections, Ivy’s Feminity is set to level…

2 days ago

Netizens Applaud Team Payaman’s Vienna Iligan’s Sunsilk Endorsement

Mula sa pagbabahagi ng kanyang “buhay estudyante” sa kanyang mga vlogs at TikTok content, isang…

3 days ago

Team Payaman Embarks on a Spontaneous 24-Hour Puerto Galera Trip

Kakaibang Halloween special ang ibinahagi ng Team Payaman squad sa bagong vlog ni Clouie Dims. …

4 days ago

Top 5 Tips to Enjoy Team Payaman Fair 2024: The Color of Lights

This article is sponsored by Salveo Barley Grass. There are a few more weeks to…

4 days ago

Kidlat Core: 4 Times Kidlat Effortlessly Broke the Internet

Dalawang taon na ang nakalipas mula noong ipinanganak ng Team Payaman power couple na sina…

5 days ago

This website uses cookies.