Viy Cortez-Velasquez Shares First Playschool Preparations For Kidlat

Matapos ang home-schooling kasama ang ibang Team Payaman kids, sasabak naman ngayon si Kidlat sa playschool. 

Alamin ang mga naging paghahanda nito pati na rin ng kanyang Mommy Viy sa kanyang unang araw. 

Baon Preps

Sa isang TikTok video,  ipinasilip ni Mommy Viy Cortez-Velasquez ang kanilang paghahanda sa unang araw ng playschool ng anak nitong si Zeus Emmanuel Velasquez, a.k.a Kidlat.

Bago tuluyang pumasok, abala na si Mommy Viy sa paghahanda ng baon ni Kidlat. Una na nitong binilhan ng mga baunang may disenyo na Spiderman upang ganahan itong kainin ang kanyang baon.

Sinigurado nito na bukod sa masarap ay masustansya ang pagkaing babaunin ni Kidlat sa kanyang eskwelahan.

“Mahilig sa gulay si Kidlat kaya ang lulutuin ko sa kanya is itlog na may ampalaya at tinapay,” pagbabahagi ni Mommy Viy.

“Ang saya ko, first time ko s’yang binaunan!” dagdag pa ng excited mom.

Nakiisa rin si Kidlat sa paghahanda ng kanyang baon at tinulungan ang kanyang Mommy Viy sa paghulma ng kanyang tinapay.

“‘Yung babaunin n’ya, ubos din n’ya!” biro ni Mommy Viy.

First Day High

Ibinahagi rin ni Mommy Viy ang dahilan kung bakit napagdesisyunan nila ng asawang si Lincoln Velasquez, a.k.a Cong TV na ipasok na sa playschool ang kanilang panganay.

“Guys, home-schooled talaga si Kidlat pero ngayon, mayroon na s’yang once-a-week playschool na may mga classmates na. Para mayroon s’yang [experience] na pakikipag-play sa ibang bata,” aniya.

Personal na hinatid at sinamahan ni Viviys si Kidlat sa kanyang unang araw sa playschool. Hindi ito magkamayaw sa paglalaro at halatang na-enjoy ang pagpasok sa paaralan.

Touching Comments

Marami naman din ang namangha sa pagiging hands-on ni Mommy Viy kay Kidlat at sa pagsasanay nito sa anak na kumain ng gulay.

Thea Lee: “Such a hands-on mom!”

Precious Mariano: “Napaka galing mo talaga Mrs. Velasquez. At the age of 2, napakain mo sya ng ampalaya. Salute to you! Napakagaling!

Eyhaa Colon: “Ang galing! Nakakabilib [‘yung] ganitong napapakain [ang] bata ng gulay.”

Jhane Elorde Gonzaga Solsona: “Very good,  Kidlat kumakain ng ampalaya! [‘Yung] anak ko kahit anong gulay, ayaw kainin!”

Watch the full video below:

Yenny Certeza

Recent Posts

Make Holiday Gifts Meaningful and Personal with Charms by Yiva

Christmas and New Year, known as the season of giving, inspire many to search for…

1 hour ago

Level Up Year-End Celebration Memorabilia with Viyline Printing Services

​ As the New Year approaches, many Filipino families are seeking unique ways to make…

5 hours ago

Ninong Ry Finally Grants Cong TV and Junnie Boy’s Cravings After Four Years

Matapos ang apat na taon, oras na para tuparin ni Ninong Ry ang kanyang pangako…

2 days ago

Junnie Boy Shares Dad Realizations in Recent ‘Tsuper Dad’ Vlog Episode

Para sa ikatlong episode ng ‘Tsuper Dad’ serye ni Marlon Velasquez Jr., a.k.a Junnie Boy,…

2 days ago

Team Payaman Members Bag Witty Awards at Their Recent Christmas Party

Sa nakaraang Christmas Party ng Team Payaman, hindi lang basta salu-salo ang naganap, nagkaroon din…

2 days ago

Viy Cortez-Velasquez Takes Cong TV on a Spontaneous Husband-and-Wife Adventure

Isang kwela at full-of-adventure vlog ang hatid nina Viy Cortez-Velasquez at mister niyang si Lincoln…

2 days ago

This website uses cookies.