Iligan-Velasquez Family Kicks Off Holiday Season by Decluttering and Decorating at Home

Bago sumapit ang Disyembre, nakasanayan na ng maraming pamilya ang maglinis, mag-ayos, at maghanda ng bahay para sa Kapaskuhan. 

Isa na rito ang Iligan-Velasquez Family, na nagbahagi ng kanilang pre-Christmas decluttering sa pinakabagong YouTube vlog ni Vien Iligan-Velasquez, para sa maligaya at maaliwalas na holiday season.

Family Bonding

Masalimuot man ang proseso ng paglinis at pag-aayos ng kanilang bahay, masaya pa rin nila itong ginampanan bilang bahagi ng kanilang paghahanda sa Pasko. 

“So, ayun na nga… dahil BER-months na, mag-i-start na kaming maglinis, mag-declutter,” ani Vien sa kanyang video.

Naging karamay ni Vien sa pag-aayos ang mister na si Marlon Velasquez Jr., Junnie Boy, at iba pang kasamahan na sina Kuya Terio, at Bok. Ang kanilang naging layunin ay alisin ang mga hindi kailangang gamit at magbigay daan para sa mas malinis at maaliwalas na espasyo.

“Simulan na natin ang pagbubuhat dahil andami naming gamit talaga and may mga gamit kaming mga ‘di kailangan… so, ngayon malalaman kung saan namin ilalagay,” paliwanag ni Mommy Vien habang tumutulong din ang mga chikiting na sina Viela at Mavi sa pag-organize ng mga laruan at ibang gamit.

Kahit mahirap, nagbigay din ito ng magandang pagkakataon para sa bonding ng pamilya. Ipinagpatuloy nilang i-rearrange ang mga furniture at ayusin ang iba pang mga gamit na matagal nang nakatambak sa bahay.

New Christmas Tree Setup

Isa sa mga highlights ng vlog ay ang pagtatayo ng Christmas tree, na inihanda nila bago pa ang simula ng Disyembre. Ayon kay Vien, ang mga staff mula sa SM, kung saan nila binili ang Christmas tree, ay nagbigay ng tulong sa pag-setup nito sa kanilang bahay. 

“Nakita ko, [sabi ko] ‘Ang ganda nun, ate! Pwede niyo po ba kaming tulungan, kayo na magkabit?’ So, after daw ng pasok nila, punta sila dito,” kwento ni Vien.

Matapos ang dalawang araw ng paglilinis at tatlong oras na pagkabit ng Christmas tree, hindi maitago ni Vien ang tuwa nang makita nilang buo na ito. 

“Ang ganda! Feel ko na ‘yung Christmas, parang lumaktaw ako ng November,” ani Vien nang ipakitaa ang kanilang Christmas tree.

Why the Early Christmas Preparations?

Bagamat malayo pa ang Pasko, inagahan na nila ang pag-aayos ng bahay na sinimulan nila noong nakaraang buwan. 

“Plano talaga namin [maglagay ng Christmas tree] December pa or by the end of November… [kaso] hindi ko na maaasikaso ‘to lahat. So, talagang in-advance ko na [pag-aayos] dito sa bahay para pahinga na lang ako sa Christmas.”

Ang desisyon nilang mag-advance sa holiday preparations ay dahil na rin sa mga naka-schedule na aktibidad, tulad ng nalalapit na Team Payaman Fair, kung saan mas magiging abala sila sa mga darating na linggo.

Watch the full video here.

Angel Asay

Recent Posts

Viy Cortez-Velasquez Spills the Truth About ‘Congpound’ in Latest Vlog

Kamakailan, ibinahagi ng Team Payaman vlogger na si Viy Cortez-Velasquez ang kanyang bagong vlog, na…

5 hours ago

Viy Cortez-Velasquez Takes Sisters On A ‘Tres Marias’ Foodtrip Date

Isang masaya at nakakabusog na mini foodtrip vlog ang hatid ng magkakapatid na Viy Cortez-Velasquez,…

8 hours ago

Start 2026 on a Fresh Note with Perfect Scent by Viyline

The new year is the perfect time to refresh not just your routines, but your…

8 hours ago

Former Team Payaman Editor Carlo Santos Shares a Family Milestone

Ngayong taon lamang ay ibinahagi ng former Team Payaman editor na si Carlo Santos ang…

9 hours ago

Viy Cortez-Velasquez and Cong TV Take On Full-Time Parenting for a Day

Isang masaya at puno ng memoryang vlog ang hatid ni Viy Cortez-Velasquez at Lincoln Velasquez,…

2 days ago

Cong TV Reunites with a Familiar Face from ‘ISTASYON’ to Spice Up an Ad Jingle

Muling binalikan ni Cong TV ang isa sa mga nakasalamuha niya sa kanyang ‘ISTASYON’ vlog…

2 days ago

This website uses cookies.