Team Payaman’s Burong Makes Acting Debut in Pencilbox Studios

Isa sa mga hinahangaang miyembro ng Team Payaman si Aaron Macacua, na mas kilala bilang “Burong,” dahil sa kaniyang mga exciting at adventurous content. Mula sa Kaya Mo Ba Burs episodes, gaming videos, hanggang sa mga ganap ng Team Payaman, hindi umuurong si Burong sa pagpapasaya sa kaniyang mga tagasubaybay. 

Artista Era

Ngayon, isang bagong milestone ang tinahak ni Burong sa kanyang karera sa pamamagitan ng pagpasok sa mundo ng aktingan. 

Sa kanyang bagong vlog, ubinahagi ni Burong ang kaniyang first-ever acting journey matapos maimbitahang maging aktor sa Online Filipino Comedy Sketch Show na Pencilbox Studios

“On my way sa taping ng Pencilbox…” pagbabalita ni Burong sa sa umpisa ng vlog.

Pagdating sa studio, agad niyang nakatagpo at nakachikahan si Patrick Alcantara, ang direktor ng Pencilbox Studios, na naging isang malaking suporta sa kanyang unang hakbang sa industriya.

Matapos ang ilang minuto ng kaswal na usapan, sinubukan na ni Burong na mag-rehearse at i-memorize ang kaniyang script, hindi alintana ang kaba dahil bago sa kanya ang gagawin.

“Okay na, Pards. Game na raw. Kinakabahan ako…” aniya, at agad na nagsimula ng ensayo para sa unang eksena. Bagamat ramdam ang kaba, hindi nagpatinag si Burong, at matagumpay niyang nagawa ang mga eksena.

Burong’s Acting Debut

“Swabe, one take lang!” masaya niyang ibinahagi pagkatapos ng kanilang unang shoot. Ipinakita ni Burong ang kaniyang kakayahan sa pagganap bilang isang travel agency consultant, na nagpatunay na kahit sa unang pagkakataon, taglay pa rin niya ang husay sa pagganap.

Samantala, hindi lang ang akting ang naging highlight ng kaniyang taping experience. Sinulit ni Burong ang pagkakataong makipag-bonding sa ibang kasamahan tulad ng ibang content creators, kabilang na ang kilalang TikTok sensation na si Charlize Ruth Reyes, o mas kilala bilang Charuth.

Different personas

Iba’t ibang karakter at personalidad pa ang ginampanan ni Burong sa Pencilbox Studios, tulad ng pagiging manghihilot, pasahero, restaurant staff, at marami pang iba. Lahat ng ito ay puno ng nakakatuwang kwento at mga tagpo na tiyak na ikatutuwa ng mga manonood.

Watch the full vlog here: 

Angel Asay

Recent Posts

Team Payaman Embarks on a Spontaneous 24-Hour Puerto Galera Trip

Kakaibang Halloween special ang ibinahagi ng Team Payaman squad sa bagong vlog ni Clouie Dims. …

12 hours ago

Top 5 Tips to Enjoy Team Payaman Fair 2024: The Color of Lights

This article is sponsored by Salveo Barley Grass. There are a few more weeks to…

13 hours ago

Kidlat Core: 4 Times Kidlat Effortlessly Broke the Internet

Dalawang taon na ang nakalipas mula noong ipinanganak ng Team Payaman power couple na sina…

2 days ago

Netizens Hilariously React to Cong TV and Kidlat’s Clingy Moments

Hindi na maitatanggi na punong-puno ng saya at pagmamahal ang Pamilya Cortez-Velasquez. Naririto ang ilan…

3 days ago

Viy Cortez-Velasquez Shares First Playschool Preparations For Kidlat

Matapos ang home-schooling kasama ang ibang Team Payaman kids, sasabak naman ngayon si Kidlat sa…

3 days ago

Cortez Family Joins “Pagsinta kay Maria” at Sto. Niño de Cebu Parish, Biñan

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Feast of Our Lady of the Rosary tuwing Oktubre, isinasagawa…

3 days ago

This website uses cookies.