Run Free, Tawki: Velasquez Fam Bids Goodbye to Their Beloved Family Pet

Kilala ang small-but-terrible pet na si Tawki bilang parte ng Pamilya Velasquez na kasama nila sa kanilang tahanan. 

Sa kasamaang palad, nasawi ang kanilang tinaguriang “Little Jaguar,” at ito ang ilan sa mga tagpo bago ito tuluyang mamaalam sa kanyang fur parents.  

Run Free, Tawki

Sa pinakabagong vlog ni Pat Velasquez-Gaspar, malungkot nitong inanunsyo ang pagkasawi ng alaga nitong aso na si Tawki.

Si Tawki ay naging parte na ng Pamilya Velasquez at matagal ding nakasama ito sa kanilang bahay sa Cavite.

Bago maihatid sa kanyang huling hantungan, isa-isang ibinahagi ng magkakapatid na Velasquez ang kanilang nararamdaman sa nangyari.

“2015 pa pala ‘tong picture natin. Ikaw nagpaalala sakin ulit Tawki gaano kabilis ang oras. One day masaya lang tayong naglalaro sa bahay at nagvvlog sa Cavite tapos sa isang iglap 77 ka na pala sa Dog years at matanda na,” ani Cong TV sa isang Instagram post.

Dagdag pa nito: “Thank you sa sa lahat ng saya naidulot mo sa pamilya natin. Habang buhay ka sa puso namin. I’ll miss you and I love you Tawki mahboy!”

“Alam namin naging masaya ka sa lifespan mo! Masaya din kami sa lahat ng bagay na pinagsamahan naten. Rest in power dogstar! Tawki Velasquez,” mensahe naman ni Junnie Boy. 

Nagsama-sama ang magkakapatid na Velasquez at mga magulang nito na sina Jovel Velasquez at Marlon Velasquez Sr., a.k.a Papa Shoutout, sa viewing ng kanilang minamahal na si Tawki.

Hindi napigilang maging emosyonal ng Pamilya Velasquez nang unang itong masilayan si Tawki.

“Bye, bye, baby ko!” wika ni Mama Jovel. 

“Thank you, ba-bye!” emosyonal na mensahe ni Junnie. 

Maya-maya pa ay sumunod si Lincoln Velasquez, a.k.a Cong TV upang masilayan sa huling pagkakataon si Tawki, at indi rin nito napigilang maging emosyonal.

“Makakakuha kaya ako ng balahibo n’ya? Ilalagay ko kasi sa damit,” request nito.

Isa-isang binalikan nina Cong, Venice, Junnie, at Pat ang kanilang mga alaala kasama si Tawki.

“Dati nakakatabi pa natin ‘yan sa kama eh. ‘Di ba? Parang galit s’ya, parang mainit ang ulo. Pero kapag nilambing mo, talagang dila lang s’ya nang dila!” kwento ni Pat. 

Nabanggit din nila na isa ang pinsan nilang si Jasmin sa mga nakakalaro ni Tawki noong araw.

Condolences

Bumuhos naman ang pakikiramay ng mga OG supporters ng Team Payaman na natunghayan ang pagsasama ng Pamilya Velasquez at ni Tawki.

@imelyngarcia5925: “Sobrang iconic ni Tawki. He was there as a content material before anyone else in Team Payaman. Tawki the OG!!! We lablab you, bebe. Run free!”

@SMzams: “Ngayon ko lang nakita emotional si Cong mas lalo nakakaiyak. Run free Tawki!”

@LifeWithMae__: “Ahhhhh.. One of Cong’s content material! Isa sa inaabangan ko palagi, one of the pinaka OG Tea Payaman talaga!”

@christiansantiago6039: “Tawkii mah friend. How are you my friend?” Isa sa pinaka iconic and nostalgic line ni Cong TV lalo na nung CHongdo days, tapos nauwi sila ng Cavite, una laging nasalubong is si Tawki!”

Watch the full vlog below:

Yenny Certeza

Recent Posts

Rolling Into the Spotlight: How Viyline’s Mobile Billboard Builds Excitement for Team Payaman Fair 2026

As Viyline and Team Payaman Fair 2026: VIYond the Beat take the spotlight, a moving…

6 hours ago

Celebrate Cong TV’s Birthday With Team PYMN Clothing’s Newest ‘Lincoln Club Collection’

Team Payaman Fans, get ready for another exciting streetwear drop! Cong TV’s apparel brand, Team…

1 day ago

Team Payaman’s PAAWER Couple CongViy Battles Celebrity Loveteam JoshLia in ‘Kusina Wars’

Isang nakakakilig na episode ang hatid ni Viy Cortez-Velasquez sa kanyang “Kusina Wars” vlog matapos…

2 days ago

Viy Cortez-Velasquez Takes House Angels To A Delicious Food Adventure With Kidlat and Tokyo

Isang masayang food adventure ang hatid ni Mommy Viy Cortez-Velasquez kasama ang mga house angels…

2 days ago

VIEN DIARIES: Vien Iligan-Velasquez Takes Viewers To A Quick Pickleball Serye in Cebu

Isang Cebu adVIENture ang hatid ni Vien Iligan-Velasquez matapos nilang dumayo sa nasabing probinsya upang…

2 days ago

Ready to Feel the Beat? Why Team Payaman Fair 2026: VIYond The Beat Should Be on Your Holiday Bucket List

For fans who have spent years watching their favorite Filipino content creators through vlogs, livestreams,…

2 days ago

This website uses cookies.