Viy Cortez-Velasquez Debunks Netizens’ Assumptions of Having a ‘Perfect Life’

Hindi maitatanggi na puno ng pagmamahal at sunod-sunod na biyaya ang pamilya ng Team Payaman vlogger na si Viy Cortez-Velasquez.

Sa likod ng mga biyayang natatanggap, nananatili pa rin itong mapagkumbaba at bukas sa reyalidad ng pagkakaroon ng perpektong buhay.

Overflowing Blessings

Matapos ang kanilang kasal noong Hunyo nitong taon, isa sa regalong ibinigay nina Lincoln Velasquez, a.k.a Cong TV at Viy Cortez-Velasquez sa isa’t-isa ay ang pagkakaroon ng kanilang sariling tahanan.

Kamakailan lang ay binuksan ng mag-asawang Cong at Viy ang pinto ng kanilang tahanan sa kanilang mga kaibigan sa Congpound.

Hindi rin maitago ng dalawa ang saya nang unang masilip ang tahanang nagmula sa kanilang pagsisikap sa trabaho. 

“Pagtapos magbigay sa pamilya, finally, tayo naman. Atin naman!” ani Viviys sa kanyang TikTok video.

Bukod sa kanilang bagong bahay, isa rin sa mga regalong natanggap nina Daddy Cong at Mommy Viy na hindi matutumbasan ng pera ay ang pagdating ng kanilang bunso.

Isinabay sa kaarawan ni Cong TV ang gender reveal ng kanilang baby girl, na s’ya ring inabangan ng mga netizens.

Far From Having a “Perfect Life”

Gaya ng mag-asawa, marami rin sa mga netizens ang namangha at natuwa sa layo ng narating ng dalawa.

“Ganda ng bahay, ganda ng kasal, cute na anak, ganda ng buhay compared sa dati. Masasabing perfect life na talaga! More blessing to come pa sa inyo!” komento ng isa. 

“Masaya talaga [ang] pamilya lalo na kapag financially stable ka, kahit nasa bahay ka lang, pero kung hindi, doble-doble stress mararanasan mo,” dagdag pa ng isang fan. 

Ngunit iginiit naman ni Viviys na malayo pa sa pagiging perpekto ang kanilang buhay, at marami rin itong pinagdaanan bago marating ang kanilang mga pangarap.

“Sa mga nagsasabi na perfect ang life namin, hindi po. Nag-plano lang po talaga kami na ngayong taon ikasal, magkabahay, at magka-baby, at pinayagan kami ng Panginoon,” aniya.

Dagdag pa nito, “May mga pagsubok pa kami ni Cong na pinagdadaanan. Ang iniba lang, hindi namin nilalabas kaya mukhang maganda lahat ang nakikita n’yo.”

Ngunit sa kabilang banda, hindi maiwasang makakuha ng negatibong komento mula sa ilang mga netizens.

“Sa sobrang daming blessing na dumadating sa’yo, hindi ka ba natatakot na baka one day may biglang malaking kapalit ito or may kunin sa’yo bigla si Lord? Pero thoughts ko lang naman ‘yun,” tanong ng isa.

Pabirong sinagot ni Viviys ang nasabing komento ng isang netizen patungkol sa kanilang buhay.

“Feeling ko ikaw ang una n’yang kukunin. Sh*t, blessing na naman sa akin!” ani Viviys.

Yenny Certeza

Recent Posts

Content Wars is Back! Boss Keng ‘Kalabantay’ Challenges Junnie Boy’s ‘Bantatay’

Panibagong mga karakter ang hatid ng Team Payaman members na sina Boss Keng at Junnie…

16 hours ago

​Viyline Group of Companies Prepares for 2026 with a Strategic Planning Event

​ "Strategic Planning is nothing without strategic vision." Guided by this principle, the Viyline Group…

16 hours ago

Viy Cortez-Velasquez Spills the Truth About ‘Congpound’ in Latest Vlog

Kamakailan, ibinahagi ng Team Payaman vlogger na si Viy Cortez-Velasquez ang kanyang bagong vlog, na…

1 day ago

Viy Cortez-Velasquez Takes Sisters On A ‘Tres Marias’ Foodtrip Date

Isang masaya at nakakabusog na mini foodtrip vlog ang hatid ng magkakapatid na Viy Cortez-Velasquez,…

2 days ago

Start 2026 on a Fresh Note with Perfect Scent by Viyline

The new year is the perfect time to refresh not just your routines, but your…

2 days ago

Former Team Payaman Editor Carlo Santos Shares a Family Milestone

Ngayong taon lamang ay ibinahagi ng former Team Payaman editor na si Carlo Santos ang…

2 days ago

This website uses cookies.