Team Payaman Joins Cong TV for the Ultimate Mang Tomas Challenge

Isang tradisyunal na larong Pinoy ang muling binigyang-buhay sa pinakabagong vlog ni Cong TV, kung saan tampok ang Mang Tomas Spicy Kilabot bilang sentro ng masayang hamunan.

Sa naturang vlog, pinagsama ang patintero at street food experience na may dagdag na hamon mula sa tatlong bouncers na nagsilbing harang sa mga kalahok.

Cong TV x Mang Tomas Challenge

Sa isang Facebook post, isang masayang hamon ang inihain ng Team Payaman head na si Cong TV sa grupo sa pamamagitan ng “Mang Tomas Challenge.” Bago ito magsimula, inanunsyo niyang maglalaro sila ng patintero na may kakaibang mechanics.

Kabilang sa mga kalahok ay sina Michael Magnata, a.k.a. Mentos, Carlos Magnata, a.k.a. Bok, Carding Magsino, Anthony Andrada, a.k.a. Yow, Marlon Velasquez, a.k.a. Junnie Boy, Exekiel Christian Gaspar, a.k.a. Boss Keng, Aaron Macacua, a.k.a. Burong, at Boss Jude.

Sa larong ito, tatlong bouncer ang nagsisilbing bantay sa gitna ng playing area. Kailangang makalusot ng mga kalahok nang hindi natatapik. Sa dulo nito, naghihintay ang iba’t ibang street food tulad ng kwek-kwek, fish ball, kikiam, at squidball, na maaari nilang isawsaw sa Mang Tomas Spicy Kilabot.

Sa unang round, mabilis na nakalusot sina Boss Keng at Carding. Gayunpaman, nilinaw na hindi pa sila maaaring kumain hangga’t hindi natatapos ang itinakdang rounds. Isang insidente rin ang nagbigay-aliw sa grupo nang madapa ang isa sa mga bouncer habang hinahabol ang mga kalahok, ngunit agad namang tiniyak na maayos ang kanyang kalagayan.

Sa mga sumunod na round, naging kapansin-pansin ang paglalatag ng estratehiya ni Boss Keng, kabilang ang paggamit ng bait upang mailusot ang iba pang kasamahan. Habang ang ilan ay nakatawid at nagsimulang kumain, ang iba ay patuloy na nakikipag-agawan ng tiyempo sa gitna ng pagod at tawanan.

Sa huling bahagi ng laro, umigting ang tensyon at naging mas maingat ang bawat galaw ng mga kalahok. Pagkatapos ng hamon, ipinakita ni Cong TV ang sarap ng street food kapag isawsaw sa Mang Tomas Spicy Kilabot, na may kakaibang kombinasyon ng asim at anghang.

Angelica Sarte

Recent Posts

Viy Cortez-Velasquez Turns Japan Trip Into a Special Experience for Ate Mina

Isang simpleng family trip sa Japan ang naging pagkakataon ng Team Payaman mom na si…

23 hours ago

MassKarambulan: Team Payaman Wild Dogs Take Over Bacolod with Mountain Dew

Isang masayang pagbabalik-tanaw sa kabataan at mga kwentong puno ng tawanan ang hatid ng bagong…

24 hours ago

Dudut Lang Exposes the Truth Behind His 11-Year Relationship and Team Payaman on ‘Galit-Galitan Podcast’!

Mas pinainit ang pinakabagong episode ng Galit-Galitan Podcast ng social media personality na si JB…

1 day ago

Cong TV and Junnie Boy Share Fatherhood Advice with Kevin Hermosada

Bago isalang ang kanyang Baby Austin, sumangguni ang soon-to-be daddy na si Kevin Hermosada kina…

3 days ago

REVERSE SURPRISE: Team Payaman Wild Dogs Surprise Dudut Lang with an Unexpected Guest

Isang hindi inaasahang surprise guest ang bumulaga sa Team Payaman member na si Dudut Lang…

5 days ago

Rolling Into the Spotlight: How Viyline’s Mobile Billboard Builds Excitement for Team Payaman Fair 2026

As Viyline and Team Payaman Fair 2026: VIYond the Beat take the spotlight, a moving…

5 days ago

This website uses cookies.