Isang araw na puno ng adventure ang hatid nina Zeinab Harake at Viy Cortez-Velasquez matapos ipasyal ang kanilang mga anak sa Manila Ocean Park.
Tunghayan ang ilan sa mga tagpo sa likod ng panibagong collab nina Zeinab at Viy, kasama ang kanilang mga chikiting.
Sa bagong vlog ni Zeinab Harake, isinama nito ang mga manonood sa kanilang pagbisita sa Manila Ocean Park.
Kasama nito sa pamamasyal ang kaibigan at kapwa vlogger na si Viy Cortez-Velasquez pati na ang anak nitong si Zeus Emmanuel Velasquez, a.k.a Kidlat.
Nang tanungin ni Zeinab ang anak, hindi na ito makapaghintay na masimulan ang kanilang Ocean Park adventure.
“Are you excited?” tanong ni Zeinab.
“Yes!” buong galak na sagot ni Bia.
Unang nilibot nina Zeinab, Bia, Viy, at Kidlat ang ilan sa mga aquarium na matatagpuan sa loob ng nasabing pasyalan.
Hindi magkamayaw sina Kidlat at Bia nang makakita na ng iba’t-ibang uri ng mga isda at ilang lamang dagat.
“That’s so cool! There’s so many fish!” reaksyon ni Bia.
“Daming fish!” ani Kidlat.
I
sa rin sa mga aktibidad na sinubukan ng mga ito ay ang pagpapakain ng penguin, na s’ya ring ikinatuwa nina Kidlat at Bia.
“So cute!” saad ni Bia.
Hindi rin pinalampas nina Kidlat at Bia na masubukang mamili ng mga souvenirs at maglaro sa claw machine at indoor playground.
Labis ang pasasalamat ni Zeinab sa kanyang ate Viy na sumama sa kanilang Manila Ocean Park bonding.
“Thank you ate Viy for allowing Kidlat to play with Bia!” ani Zeinab.
Marami ang natuwa sa cute bonding hatid nina Bia at Kidlat sa bagong collaboration ng kanilang mga mommy.
@jaelgracefederico8717: “With Bia acting like Kidlat’s Ate, parang somehow nararamdaman nya sa time na kasama nya si Kidlat na ate sya just like ate sya kay baby Moon. I enjoyed watching!”
@HasnaifahDYunos: “Really love to have this kind of bonding of Zeinab and Viy. Lalo pa’t sinama nila ang kanilang kiddos”
@alalannancyt.2269: “So sweet ni Bia, ready na to be an ate. While si Kidlat ay super cutie hahaha hindi nawawala judgemental look nya!”
@angelochangolan2641: “We demand a vlog like this again hehe… nakaka relax panoorin mga bata.”
Watch the full vlog below:
The holiday season is all about creating joyful memories with family, and TP Kids has…
Sa bagong vlog ni Vien Iligan-Velasquez, ibinahagi niya ang emosyonal at masayang selebrasyon ng ika-pitong…
Hindi hatawan sa dance floor, kundi hatawan sa kusina ang hatid ng Team Payaman vlogger…
Good vibes at ‘balls of sunshine’ kung tawagin ang magpinsan na sina Alona Viela at…
It’s the season to be festive, and your makeup look should reflect the joy and…
Sa kanyang bagong vlog, ibinahagi ni Ivy Cortez-Ragos ang isang praktikal at wais na DIY…
This website uses cookies.