Help Typhoon Victims by Watching Viy Cortez-Velasquez’s Baao Travel Vlog For a Cause

Noong nakaraang Agosto, bumisita ang Team Payaman, kasama si Viy Cortez-Velasquez, at ang VIYLine Media Group (VMG) sa Bicol upang bumuo ng isang travel vlog na sasaklaw sa kapistahan ng Baao, Camarines Sur.

Ngayon ay mapapanood na ang nasabing travel vlog na hindi lang naglalayong ibida ang ganda ng Baao, kundi para na rin makatulong sa mga kababayan nating naging biktima ng Bagyong Kristine. 

Tara, VIYahe Tayo!

Maaalala na noong nakaraang taon ay unang bumisita at bumuo ng “VIYahe Tayo” travel vlog ang VMG patungkol sa Sta. Ana, Cagayan, na bayang sinilangan ng ina ni Viy na si Mrs. Imelda Tumbaga-Cortez.

Ngayong taon naman ay bumisita ang VMG sa dulong timog ng Luzon upang bumuo ng travel vlog tungkol sa Baao, ang bayang sinilangan ng ama ni Viy na si Mr. Rolando Bañaria Cortez.

Binubuo ng tatlong bahagi – ang tatlumpung minutong travel vlog ay nahati sa Heart, Spirit, at Mind ng Baao. 

Ang unang bahagi ay Heart na tumalakay sa makabuluhang kasaysayan, lokal na produkto at pagkain, at mga nakakaakit na tanawin at atraksyon sa bayan.

Ang ikalawang bahagi naman na Spirit ay tumalakay sa mga ipinagmamalaking relihiyosong tradisyon, talento, at prominenteng tao na bumubuo sa pagkakakilanlan ng mga Baaoeños at kung paano nila ito naipapasa sa bagong henerasyon.

Samantala, ang pinakahuling bahagi naman na Mind ay sumakop sa halos dalawang linggong pagdiriwang ng 434th Founding Anniversary ng bayan na tinatawag nilang “Kamuy-an Festival.”  

#BangonBicol

Makalipas ang halos dalawang buwan sa pagbuo ay inabot na ito ng Bagyong Kristin na sumalanta sa malaking bahagi ng Bicol, kabilang na ang Baao.

Image source: Oliver Collins

Kung kaya naisipan ni Viy na gamitin na lang ang nabuong travel vlog upang makapag-abot ng tulong at donasyon sa mga nabiktima ng bagyo.

“Sobrang sakit na bago ko ito ma-upload sinira ng Bagyong Kristine ang ganda neto at binawi ang mga ngiti ng mga taga rito. Gusto ko pong i-upload ang video na ito at ang kikitain ng video na ito ay ibibigay namin sa mga taga Bicol, bukod pa ito sa ibibigay namin ni Cong at ng VIYLine. Ba-byahe po ang VIYLine papuntang Bicol para sa isang relief operation, “ ani Viy sa kanyang Facebook post.

Umani naman ng samu’t saring papuri at kumento ang nabuong travel vlog ng VMG.

@daphney2125: “Grabe editing parang gawa ng GMA. So effort and sobrang ganda. Kudos to the people behind this amazing work.” 

Mga Kapitbahay, nood na upang makatulong sa simpleng paraan!

Watch the full video here: 

Alex Buendia

Recent Posts

REVERSE SURPRISE: Team Payaman Wild Dogs Surprise Dudut Lang with an Unexpected Guest

Isang hindi inaasahang surprise guest ang bumulaga sa Team Payaman member na si Dudut Lang…

1 day ago

Rolling Into the Spotlight: How Viyline’s Mobile Billboard Builds Excitement for Team Payaman Fair 2026

As Viyline and Team Payaman Fair 2026: VIYond the Beat take the spotlight, a moving…

2 days ago

Celebrate Cong TV’s Birthday With Team PYMN Clothing’s Newest ‘Lincoln Club Collection’

Team Payaman Fans, get ready for another exciting streetwear drop! Cong TV’s apparel brand, Team…

3 days ago

Team Payaman’s PAAWER Couple CongViy Battles Celebrity Loveteam JoshLia in ‘Kusina Wars’

Isang nakakakilig na episode ang hatid ni Viy Cortez-Velasquez sa kanyang “Kusina Wars” vlog matapos…

3 days ago

Viy Cortez-Velasquez Takes House Angels To A Delicious Food Adventure With Kidlat and Tokyo

Isang masayang food adventure ang hatid ni Mommy Viy Cortez-Velasquez kasama ang mga house angels…

4 days ago

VIEN DIARIES: Vien Iligan-Velasquez Takes Viewers To A Quick Pickleball Serye in Cebu

Isang Cebu adVIENture ang hatid ni Vien Iligan-Velasquez matapos nilang dumayo sa nasabing probinsya upang…

4 days ago

This website uses cookies.