Marami ang natuwa sa magandang balitang ng mag-asawang Cong TV at Viy Cortez-Velasquez sa pagbubuntis sa kanilang ikalawang anak.
Tunghayan at kilalanin ang grupo na nasa likod ng nasabing pregnancy announcement ni Viviys.
Dalawang linggo na ang nakalilipas nang ibahagi ng 28-anyos na vlogger na si Viy Cortez-Velasquez ang pagdating ng bagong adisyon sa Pamilya Cortez-Velasquez sa pamamagitan ng kanyang vlog.
Sa likod ng nakaka-antig na mga litrato at announcement video ay ang malikhaing grupong pinapangunahan ng makeup artist at kapwa content creator na si Hajie Alejandro.
Ang grupo nina Hajie ang tumulong sa mag-asawang Cong at Viy na maisakatuparan ang pagpapaganda ng kanilang pregnancy announcement.
Sa isang vlog, ipinasilip ni makeup artist at photographer na si Hajie ang mga kaganapan sa nasabing photoshoot.
Ayon kay Viviys, personal niyang napili si Hajie bilang makeup artist para sa kanilang pregnancy shoot.
“Noong nakita ko ‘yung kay Jenny, naalala ko, eh sakto, jontis ang lola mo, i-reveal ko na kay Hajie na lang!” kwento ni Viviys.
Bago pa man magsimula ang shoot, nilibot muna ni Hajie ang kanyang mga manonood sa Balay Kubo studio sa Las Piñas kung saan ginanap ang photoshoot.
Unang sumalang sa makeup chair ni Hajie si Viviys upang masimulang ayusan ang mukha at buhok nito, na s’ya namang sinundan din ni Cong.
Maya-maya pa’y sinimulan na ng kanilang team ang pagkuha ng mga litrato at mga bidyo ng mag-asawa kasama ang anak nitong si Zeus Emmanuel Velasquez, a.k.a Kidlat.
Matapos ang kanilang photoshoot, hindi napigilang batiin ng mag-asawang Cong at Viy ang grupo nina Hajie.
“Salamat Hajie sa iyong napakalupit na makeup sa akin! Nakita ko ‘yung mga pictures sa preview, sobrang solid guys!” komento ni Cong.
Para naman kay Viviys: “Thank you so much! Hindi na namin kailangan i-hype ‘to kasi alam naming sobrang lupit mag-makeup at mag-photo, video ni Hajie!”
Gaya ng mag-asawa, hindi rin napigilan ng mga netizens na batiin ang obra ng grupo nina Hajie.
@marissabernardo7492: “Team Hajie, you’ve done it again!”
@thesamudaya: “Galing talaga kumuha ng photos ni Sir Hajie!”
@michellelaygo1856: “Congratulations Hajie and team Onze studio! Pangarap ko din makapag shoot sa inyo!”
@kimmervalynracelmacabinlar117: “Ganda talaga ng mga gawa ni Hajie!”
@edlynsarsua8517: “Ang galing!”
Watch the full vlog below:
Mas naging masaya at mas makulit ang bagong vlog ni Clouie Dims matapos niyang makasama…
Kilala si Yiv Cortez bilang bunsong kapatid ni Viy Cortez-Velasquez, ngunit lingid sa kaalaman ng…
Ginulat ng Team Payaman vlogger na si Viy Cortez-Velasquez ang mga manonood nang ilabas niya…
Matapos ang ikapitong kaarawan ni Mavi noong Nobyembre, sunod namang ipinagdiwang ng pamilya Iligan-Velasquez ang…
Cuteness overload ang hatid ng anak nina Pat Velasquez-Gaspar at Boss Keng na si Isla…
Ngayong kapaskuhan, muling ipinasilip ng Team Payaman mom na si Vien Iligan-Velasquez ang kanilang taunang…
This website uses cookies.