Why Jokes on Miscarriage and Infertility Needs to Stop According to Alex Gonzaga

Sa isang press interview, ibinahagi ng TP Friends at vlogger-actress na si Alex Gonzaga na mayroon siyang basher na dinemanda kamakailan dahil sa hindi kanais-nais na komento sa internet. 

Normalizing sensitivity

Sa isang press conference sa pinakabagong endorsement ni Alex Gonzaga na Chef Ayb’s Paragis Tea, isa sa mga katanungan na sinagot ng 36-anyos na aktres ay kung anong uri ng bashing ang nakasakit sa kanya. 

Matapang na inamin ni Alex na ito ay ang mga mga biro at patutsada patungkol sa bigong pagbubuntis. 

“Personally, hindi po ako nasaktan do’n. Pero parang tingin ko kailangan magstop ‘yun, ‘pag sinasabihan ka na ‘baog’,” sagot ni Alex.

Maaalalang noong 2021 ay ibinahagi ni Alex at ng kanyang asawang si Lipa City Councilor Mikee Morada ang kanilang miscarriage.

“Dapat we really have to be sensitive about it. Dapat we have to be very careful gamitin ‘yung mga words na ‘yun very loosely sa mga kababaihan.” 

Dagdag pa ni Alex, ito ang klase ng paksa na kinakailangan ng pagiging mas sensitibo at maingat na pagtalakay. Hindi lang aniya para sa kanya, kundi bilang respeto na rin sa iba pang nakararanas nito. 

“Hindi ito para sa akin dahil nasaktan ko. Gusto ko maging conscious tayo. Ngayon sa digital world, sensitive na ang mga tao. Ayaw na natin ng bullying. So kapag may nakita akong nagko-komento nang ganon, kinakausap ko sa law,” ani Alex. 

Inaabangan lang aniya ang personal statement at public apology ng itinuturing na idinemandang netizen.

Netizen reactions

Umani naman si Alex ng mga papuri sa kapwa babaeng mga netizens na nagbahagi rin ng kanilang mga personal na kwento at karanasan.

@Kwabby Patty: “Tama ‘yan, kailangan na talaga makatikim ng mga trolls ng demanda. Masyado na din kasi silang mayabang at insensitive sa socmed.”

@Rizamari: “Agree!! Thanks for fighting for us, Alex!” 

Watch the full video here: 

Alex Buendia

Recent Posts

Celebrate Cong TV’s Birthday With Team PYMN Clothing’s Newest ‘Lincoln Club Collection’

Team Payaman Fans, get ready for another exciting streetwear drop! Cong TV’s apparel brand, Team…

15 hours ago

Team Payaman’s PAAWER Couple CongViy Battles Celebrity Loveteam JoshLia in ‘Kusina Wars’

Isang nakakakilig na episode ang hatid ni Viy Cortez-Velasquez sa kanyang “Kusina Wars” vlog matapos…

1 day ago

Viy Cortez-Velasquez Takes House Angels To A Delicious Food Adventure With Kidlat and Tokyo

Isang masayang food adventure ang hatid ni Mommy Viy Cortez-Velasquez kasama ang mga house angels…

2 days ago

VIEN DIARIES: Vien Iligan-Velasquez Takes Viewers To A Quick Pickleball Serye in Cebu

Isang Cebu adVIENture ang hatid ni Vien Iligan-Velasquez matapos nilang dumayo sa nasabing probinsya upang…

2 days ago

Ready to Feel the Beat? Why Team Payaman Fair 2026: VIYond The Beat Should Be on Your Holiday Bucket List

For fans who have spent years watching their favorite Filipino content creators through vlogs, livestreams,…

2 days ago

Cong TV and Viy Cortez-Velasquez Become the New Faces of MARSTEK Philippines

Panibagong endorsement ang hatid ng Team Payaman PAAWER Couple na sina Cong TV at Viy…

2 days ago

This website uses cookies.