Patuloy na umaani ng papuri si Kevin Hermosada mula sa mga netizens dahil sa kanyang bago at kakaibang approach sa vlogging, kabilang na ang unique na content, mahusay na editing, at engaging vlog flow.
Sa kaniyang pinakabagong vlog, muling pinamalas ni Kevin ang kanyang creativity at sense of humor nang subukan niya ang mga random at weird na produkto mula sa TikTok Shop, at inalam kung alin sa mga ito ang magiging useful.
“Today, may ita-try tayong mga weird things na pwede mong mabili dito sa Pilipinas—well, sa TikTok shop,” panimula ni Kevin.
Layunin aniya ng vlog na makahanap ng mga produkto na pwedeng magamit ng misis nitong si Abigail Hermosada pang-araw-araw na buhay.
Ngunit, may twist: kung ang produkto ay hindi magagamit ni Abby, kailangang sumailalim siya sa isang “weird consequence.”
Sa vlog, sinubukan ni Kevin ang iba’t-ibang mga kakaibang produkto gaya ng mga sumusunod:
Para naman sa final segment ng vlog, lumabas ang pinakamahalagang test: kung magiging useful nga ba ang produkto kay Abby. Ang item? Isang “toilet timer.”
Nagkaroon muna ng maikling diskusyon ang mag-asawa bago nila subukan ang item kung saan dudang magiging useful ang produkto para kay Abby.
Abby: Tumutunog ba yan?
Kevin: Hindi nga, eh. Akala ko nga tumutunog…
Abby: ‘Di ba?! Sana nag-alarm ka na lang!
Sa kabila ng pagsasalungat ni Abigail Hermosada sa pagpipilit ng mister na may halaga ang kaniyang nabili, tinuloy pa rin ni Kevin ang pagpatunay rito.
Gayunpaman, sa kabila ng pag-aakalang may silbi ang toilet timer, hindi ito naging matagumpay. Pinatunayan ni Abby na ito ay talagang useless, kaya naman si Kevin ay sumailalim sa tatlong “consequences.”
Nadaig man si Kevin Hermosada sa kanyang layunin, muli naman niyang napatunayan ang pagkakaisa at magandang samahan nilang mag-asawa. Ang kanilang pagsuporta at pagtutulungan, kasama ang kanyang patuloy na passion sa vlogging, ay patuloy na nagpapakita ng kahusayan sa kanilang mga content.
Ipinahatid din ng netizens ang kanilang paghanga sa bago at kakaibang style sa vlog ngayon ni Kevin Hermosada.
Watch the full vlog here:
In its mission to support and celebrate local businesses, the Viyline MSME Caravan, in partnership…
Sa ika-apat na episode ng kanyang YouTube vlog series na “Kumusta,” ibinahagi ng Team Payaman…
Bukod sa paglalaro ng basketball at online games, isa na rin ang pickleball sa mga…
It’s confirmed — the third wave of the well-loved Team PYMN Cap from Cong Clothing…
A month ago, Cong TV’s very own clothing brand, Cong Clothing, released its newest shirt…
Kamakailan lang ay lumipad pa Bohol at Siquijor ang ilang Team Payaman members para sa…
This website uses cookies.