Viy Cortez-Velasquez Surprises Family with Disguise Prank During Food Adventure

Sa kanyang pinakabagong vlog, muling ipinakita ng Team Payaman vlogger na si Viy Cortez-Velasquez ang kanyang pagiging malikhain sa pamamagitan ng isang nakakatuwang prank sa kanyang pamilya.

Sa halip na siya ang maging host ng content, nagpasyang magpanggap si Viy bilang isang waitress upang subukin kung makikilala siya ng kanyang pamilya habang kumakain sa isang restaurant.

Disguise Prank

Sa simula ng vlog, ipinaliwanag ni Viy Cortez-Velasquez ang konsepto ng kakaibang food adventure na kanyang gagawin kasama ang kanyang pamilya na sina Rolando Banaria Cortez, Imelda Tumbaga Cortez, Ivy Ragos-Cortez, at Yiv Cortez.

Gamit ang pangalang ‘Nica,’ nagsuot siya ng mask at gloves at sinubukang baguhin ang kanyang kilos at tindig upang maitago ang kanyang pagkakakilanlan. Layunin niyang malaman kung mahahalata ng kanyang pamilya na siya ang nagse-serve sa kanilang mesa habang sila ay kumakain.

Habang ipinapalabas na “late” si Viy mula sa isang meeting, pansamantalang pinangunahan ng kanilang panganay na si Ivy ang vlog.

Sa kanilang pag-uusap, nagbahagi ang pamilya ng ilang personal na alaala tungkol kay Viy kabilang ang kanyang pagiging tahimik kapag nagtatampo, pagiging masigasig sa pagsubok ng iba’t ibang aktibidad noong kabataan, at pagsali sa mga patimpalak tulad ng singing contest at table tennis.

Sa gitna ng kanilang kwentuhan, isa-isang nagsilbi si Viy sa mesa at sinadyang gumawa ng maliliit na aberya bilang bahagi ng prank. Ilan sa ginawa niya ay ang sobrang paglalagay ng garnish, pag-aalok ng maling kagamitan, at bahagyang pagsagi ng tray. 

Sa kabila nito, hindi siya agad nakilala ng kanyang pamilya at inakala pang bagong staff lamang na kinakabahan sa trabaho.

Sa huli, ibinunyag ni Viy ang kanyang pagkakakilanlan, na agad namang ikinagulat ng kanyang pamilya. Matapos ang prank, hinikayat ni Viy ang mga manonood na bisitahin ang Secret Recipe sa Shangri-La at ang iba pang restaurants ng Bistro Group, na ayon sa kanya ay may mahusay na serbisyo at masasarap na pagkain.

Netizens’ Comments

Samantala, marami sa mga manonood ang natuwa sa reaksyon ng pamilya sa prank, lalo na sa kanilang mahinahong pagtanggap sa mga aberya ni Viy bilang waitress.

Yvo Ne: “‘Yung napilitan ka ng umamin dahil walang nakakakilala sa’yo.”

Mylane Tolentino Solis: “Tawang tawa ako doon sa part [na] ‘yung maraming sandok tapos nagtaka na ‘yung bunso nila.”

Grace Bulusan: “Infairness sa family ni Viy. Ang haba ng pasensya.”

Angelica Sarte

Recent Posts

Race to the Fair: Team Payaman Gears Up for a Fun Team Payaman Fair Teaser Vlog

Nagsama-sama ang mga miyembro ng sikat na vlogger group ng bansa na ‘Team Payaman’ para…

1 day ago

From Gig to Studio: Pinuno and Kuya Inday Create Their Own Song

Mula sa isang gig performance, nauwi sa isang music project ang tambalan nina Elijah Borreros,…

1 day ago

TICKETS ARE OUT: Team Payaman Fair 2026: VIYond The Beat Tickets Are Now Up For Grabs

Team Payaman fans who missed the previous ticket-selling phases may soon get another shot at…

2 days ago

Team OG o SIGA: Donny Pangilinan and Team Payaman Wild Dogs Face Off in New Mang Tomas Ad

Muling nagsama ang tambalang Cong TV at Donny Pangilinan sa isang bagong advertisement ng Mang…

2 days ago

Cook Along with Dudut Lang In His Latest Camping Vlog

Samahan si Dudut Lang sa isang chill camping trip kasama sina Kristel, Burong, at Aki.…

3 days ago

Strength Beyond Skill: Boss Keng Leads Team Alfonso Siklab to MPPT

Naging pormal at puno ng saya ang ginanap na opisyal na media day at contract…

3 days ago

This website uses cookies.