Jai Asuncion Explores New Things in Bukidnon

Isa sa kinahihiligan ngayon ng content creator na si Jai Asuncion ang pagbisita sa ilang mga magagandang pook sa loob at labas ng bansa.

Tunghayan ang naging karanasan ni Jai at ilan sa kanyang mga kaibigan sa kauna-unahang pagbisita ng mga ito sa probinsya ng Bukidnon!

Part 1: Fun Activities

Sa kanyang bagong vlog, ipinasilip ng vlogger na si Jai Asuncion ang ilan sa mga tagpo ng kanilang pagbisita sa Bukidnon.

Ani Jai, ito ang kauna-unahang pagkakataong nabisita ng kanilang grupo ang nasabing probinsya, dahilan upang masabik ito sa kanilang mga magiging aktibidad.

“So ang maganda guys, lahat kami first time [na] mapupunta sa Bukidnon,” bungad ni Jai

Pagkalapag palang galing sa airport, una nang sinubukan nina Jai ang mga pagkaing ipinagmamalaki ng Bukidnon.

Matapos kumain, nagtungo sina Jai at ang mga kaibigan nito sa Dahilayan Adventure Park upang mag-sight seeing at simulan ang kanilang mga aktibidad.

Hindi nito pinalampas na masubukan ang pagsakay sa zipline, rainbow slide, at “razorback” na ilan sa mga aktibidad na nais gawin ni Jai.

Hindi maitatanggi na sa kabila ng takot at kaba na dala ng pagsakay sa mga nasabing mga rides, nanatili pa rin ang saya at ngiti nina Jai matapos maranasan ang mga nasabing aktibidad. 

Part 2: Land Tour

Ayon kay Jai, tinaguriang Switzerland of the Philippines ang probinsya ng Bukidnon, dahilan kung bakit ninais ng kanilang grupo na mabisita ito.

Sa ikalawang parte ng kanyang Bukidnon vlog, ipinasilip naman ni Jai ang ilan sa mga magagandang pook sa nasabing probinsya. 

Unang binisita ng kanilang grupo ang Bulikat Falls na s’yang matatagpuan sa San Fernando, Bukidnon.

Paglangoy at pagsa-sight seeing ang ilan sa mga aktibidad na sinubukan nina Jai sa nasabing falls.

“Ngayon lang ako nakakita ng falls na may naglalaba!” biro ni Jai.

Sa kanilang ikatlong araw sa Bukidnon, binisita nina Jai ang Communal Ranch at isang pagkalaki-laking palayan ng mais na ikinatuwa ng grupo nina Jai matapos nila itong malibot.

“First time ko ‘tong makita, it’s so amazing!” aniya.

At syempre, hindi pinalagpas nina Jai na masilip at makapagpa-picture sa mala-Switzerland feels na hatid ng Bukidnon.

“Sis, hindi mo na pala kailangang makapunta ng ibang bansa para makakita ng ganitong kagandang scenery!” kwento nito.

More Travel Vlogs

Natuwa naman ang mga taga-suporta ni Jai nang matunghayan ang kwelang travel vlog nito matapos ang kanilang pagbisita sa Bukidnon.

Ipinahatid ng mga manonood ang kanilang pagbati sa mga vlogs na hatid ni Jai sa kanyang YouTube channel.

@GenevieveGonzales-x2d: “More vlog with your friends Ms  Jai!”

@jellyanncarpio1867: “Nakita ko yung Jai na joyful at kayang gawin kung ano pa yung mga gusto nyang gawin. Yung mga ganitong vlog na super pure at nature which bagay kay Jai. Happy that you find peace Jai”

@sheilamagstv3553: “I so love your friends Jayiee, specially Von sobrang GV lang. Can’t wait to watch more videos na kasama mo sila!”

@suyonerve7530: “Ang ganda sobra tapos nakaka good vibes pa yung tawa ni Jai kahit  ako from the start na pinapanuod ko nakatawa ako hanggang end ng video.”

Watch the full vlogs below:

Yenny Certeza

Recent Posts

Bring Your Family and Creativity Together This Christmas with TP Kids

The holiday season is all about creating joyful memories with family, and TP Kids has…

12 hours ago

Vien Iligan-Velasquez Shares Snippets of Mavi’s 7th Birthday Celebration

Sa bagong vlog ni Vien Iligan-Velasquez, ibinahagi niya ang emosyonal at masayang selebrasyon ng ika-pitong…

22 hours ago

Viy Cortez-Velasquez Challenges Sexbomb Girls in Kitchen Showdown

Hindi hatawan sa dance floor, kundi hatawan sa kusina ang hatid ng Team Payaman vlogger…

22 hours ago

Netizens Giggle Over Kidlat and Viela’s Cute Bonding Moments

Good vibes at ‘balls of sunshine’ kung tawagin ang magpinsan na sina Alona Viela at…

22 hours ago

Buy More, Slay More with Viyline Cosmetics’ Exclusive Holiday Lip Treat

It’s the season to be festive, and your makeup look should reflect the joy and…

22 hours ago

Ivy Cortez-Ragos Shares Easy Wais-Linis Hack with Twice Cleaner

Sa kanyang bagong vlog, ibinahagi ni Ivy Cortez-Ragos ang isang praktikal at wais na DIY…

2 days ago

This website uses cookies.