Zeinab Harake Reveals Cong and Viy’s Wedding  Was The First Marriage Ceremony She Witnessed

Nag-collab sa kauna-unahang pagkakataon in YouTube Philippines history ang dalawa sa pinaka-tanyag na vlogger sa bansa na sina Viy Cortez-Velasquez at Zeinab Harake. 

Sa ika-apat na episode ng “Offbeat” podcast segment sa YouTube channel ni Viviys, inimbitahan nito ang kaibigan at kapwa content creator na si Zeinab para sa isang masayang kwentuhan.

Zeinab-Viy Friendship

Lingid sa kaalaman ng maraming netizens, matagal nang magkaibigan sina Viy Cortez-Velasquez at Zeinab Harake. Bagamat hindi sila madalas makita sa iisang vlog, lagi naman silang magkabonding sa likod ng camera na nagsimula pa noong 2018.

Ibinunyag din ni Zeinab na si Viy ang unang nag-udyok sa kanya na pumasok sa mundo ng vlogging. 

“Ginaganun niyo ko… ‘Ang daldal daldal mo, ba’t ‘di ka mag-vlog?’ D’un ako nag-start mag vlog, kasi sinasabihan niyo ako,” kwento ng 25-anyos na content creator na ngayon ay mayroon ng higit 14.3 million YouTube subscribers. 

Pero ang nasabing vlog ni Viy ang kauna-unahang pagkakataon na nag-collab ang dalawa upang pag-usapan ang mga buhay bilang isang ina, vlogger, at katuwang ng kani-kanilang partner na sina Cong TV at Bobby Ray Parks. 

Cong-Viy Wedding

Dito rin ibinunyag ni Zeinab na ang kasalang Cong at Viy noong Hunyo ang kauna-unahang wedding ceremony na nasaksahin niya sa kanyang buong buhay. 

“Never ako umattend sa any wedding, as in! Hindi talaga ako uma-attend kasi hindi ko nakikita yung sarili kong magpapakasal ako,” pag-amin ni Zeinab. 

“Tapos nung si Ray na yung partner ko tapos bini-bring up niya lagi sa’kin yung topic abut sa kasal, doon na ko nagkaroon ng idea na parang kailangan kong alamin ano yung buhay mag-asawa,” dagdag pa ito. 

Bukod sa kagustuhan na malaman anong nangyayari sa kasal, isa rin aniya sina Cong at Viy sa mga couple na hinahangaan ni Zeinab kaya talagang nanatili ito simula simbahan, reception, at hanggang sa after-party. 

Watch the full vlog below:


Kath Regio

Recent Posts

Viy Cortez, Zeinab Harake, and Ivana Alawi Go On a Wild BARKADAKIP Adventure

Isang kwelang vlog collab ang hatid ng trio nina Viy Cortez-Velasquez, Zeinab Harake-Parks, at Ivana…

13 hours ago

READY NA BA SA INIT? Team Payaman’s Burong Shares Ways To Save Energy Amid Super El Niño

Dahil sa inaasahang epekto ng Super El Niño sa Pilipinas, mahalagang maging maingat sa ating…

15 hours ago

Kevin Hufana Features Roy Aguilo’s Journey of Redemption in ‘Higit sa Hatol: Home of Second Chances’ Documentary

Hindi natatapos sa paglaya ang mga hamon sa buhay ng mga dating bilanggo, dahil patuloy…

2 days ago

VIYond the Entrance: Discover What Team Payaman Fair Has to Offer

What if one ticket could bring you closer to your favorite influencers, introduce you to…

2 days ago

Japan Trip Cancelled: This Is Why Boss Keng & Junnie Boy Stayed Behind

Sa halip na pasalubong mula sa Japan, isang kwela at nakakaaliw na epic fail story…

2 days ago

COLN Returns With Heartfelt New Single ‘DAHIL SA’YO’

Muling naghatid ng bagong musika ang Filipino rap-rock at metal band na COLN sa pamamagitan…

3 days ago

This website uses cookies.