
Isang hindi inaasahang insidente ang sinapit ng Team Payaman member na si Chino Liu matapos mabiktima ng kawatan sa Parañaque City.
Alamin kung paano nga ba makakaiwas sa naturang insidente, at kung ano na ang kalagayan ng nasabing Team Payaman member.
Snatching Incident
Sa isang Instagram post, ginulat ng OG Kris Aquino impersonator na si Chino Liu, a.k.a Tita Krissy Achino ang netizens sa kanyang anunsyo.
Nabiktima ng pagnanakaw si Chino nitong ika-walo ng Oktubre malapit sa kanyang laundry shop sa Doña Soledad Avenue, Brgy. Don Bosco, Parañaque City.
Bagamat hindi naiwasang masira ang kanyang telepono matapos itong mabawi sa kawatan, malaki pa rin pasasalamat ni Chino na walang ibang masamang nangyari sa kanya.
“I was lucky to be able to recover it, although it got run over by a passing car. Thankfully, nothing serious happened,” ani Chino.

Dahil sa sinapit nito, hindi nagdalawang isip si Chino na ibahagi ang kanyang karanasan online upang magbigay babala sa lahat.
“May this serve as a reminder that these bad individuals often take advantage & exploit our busy schedules, resorting to unfair methods to make money.”
Paalala pa ng Team Payaman vlogger: “Let us all be cautious and stay aware of our surroundings. Let us look out for each other during this busy time and inform our family members to be careful as well.”
Ipinagbigay alam din ni Chino na maaari pa rin itong ma-kontak ng kanyang mga kapamilya, kaibigan, at ng mga brands gamit ang kanyang Instagram at lumang cellphone number gamit ang Viber.

Touching Messages
Nang malaman ang hindi magandang sinapit ni Chino, bumuhos ang pag-aalala at mga mensahe mula sa kanyang mga malalapit na mga kaibigan at mga taga-suporta.
@Raeinhyerrr: “Owemji mami how are u? U stay alert and safe always mami!”
@thegrateful_juan: “Ingat po tita Krissy!”
@iamaivanreigh: “Awwww. Stay safe, dear!”
@Thealbertoesnicolas: “ingat poooo palagi!”
