Cong TV and Viy Cortez-Velasquez Announce Pregnancy to Second Baby

Masayang inanunsyo ng Team Payaman power couple na sina Cong TV at Viy Cortez-Velasquez ang panibagong yugto sa kanilang buhay sa pagdagdag ng bagong supling sa kanilang munting pamilya. 

Sa kani-kanilang YouTube channel, ibinahagi ng dalawa ang masasayang tagpo nang malaman nilang magiging ganap na kuya na ang panganay na si Zeus Emmanuel Cortez, a.k.a Kidlat. 

Biglaang Ramen date sa Taiwan

Sa bagong vlog ni Lincoln Velasquez, a.k.a Cong TV, ipinasilip nito sa manonood ang biglaang Ramen date nila ng misis sa Taiwan. 

Ayon kay Cong, naisipan nyang surpresahin ng mabilisang trip to Taiwan si Viviys dahil ilang araw na itong naghahanap ng Ichiran Ramen.

“Pupunta tayo ng Taiwan ngayong gabi! Aalis tayo ngayon, uuwi tayo mamayang gabi!” bungad ni Cong. 

Wala nang nagawa si Viy kundi sumama dahil na-excite din itong muling matikman ang legit na ramen na kanya na palang pinaglilihian. 

Bagong Kabanata

Samantala, sa kanya namang bagong YouTube vlog, ibinahagi ni Viy Cortez-Velasquez ang tagpo kung paano niya nalaman ang pagbubuntis sa kanilang second baby. 

August 10, 2024 nang subukan ni Viy na alamin gamit ang iba’t ibang klaseng pregnancy test. 

Ayon sa 28-anyos na vlogger at entrepreneur, naisipan lang nyang i-check dahil napansin nyang tila mas nagiging emosyonal sya noong mga nakaraang araw.  

Agad namang ibinahagi ni Viviys ang magandang balita sa kanyang mister na halos hindi makapaniwala.

“Totoo ba? Ang bilis naman! Totoo ba ‘to?” ani Cong. 

“Teka, ninenerbyos ako! May dadalhin na naman tayong bata sa mundong ‘to!” dagdag pa nito. 

Masaya ring ibinahagi ni Viy ang kanyang pagbubuntis sa kani-kanilang pamilya at sa buong Team Payaman na walang paglagyan ang tuwa sa paparating na sanggol. 

“Ang bahay namin… ang Congpound ay day care na talaga,” ani Pat Velasquez-Gaspar na ipinagbubuntis din ang kanyang ikalawang supling. 

Watch the full vlog below:

Kath Regio

Recent Posts

Netizens Applaud Cong TV’s Simple Yet Memorable Bonding with Kidlat

Muling kinaaliwan ang father-and-son duo na sina Cong TV at Kidlat matapos nilang ibahagi ang…

1 day ago

Dudut Lang Launches First-Ever ‘Dudut’s Kitchen Awards’

Tuloy-tuloy ang pagpapakitang-gilas ng resident chef ng Team Payaman na si Jaime Marino De Guzman,…

2 days ago

Vien Iligan-Velasquez Shares Family’s Intimate New Year’s Eve Celebration

Matapos ang pasko, bagong taon naman ang sunod na ipinagdiwang ng pamilya Iligan-Velasquez sa loob…

2 days ago

Junnie Boy Embraces Daddy Duties and Family Life in Latest Vlog

Sa paglipat ng pamilya Iligan-Velasquez sa kanilang bagong tahanan, ibinahagi ng Team Payaman vlogger na…

2 days ago

Viy Cortez-Velasquez and Tita Krissy Achino Face Zeinab Harake-Park’s ‘Don’t Flinch’ Challenge

Isang pasabog ang dala ni Zeinab Harake-Parks sa kaniyang recent YouTube vlog kung saan hinamon…

3 days ago

Double the Charm: Tokyo Athena and Kidlat Steal Hearts in Recent Milestone Shoot

Mas dumoble ang saya at kakulitan sa ninth month milestone photoshoot ng magkapatid na Tokyo…

3 days ago

This website uses cookies.