Isa ngayon sa bonding ng Anti-Higad Squad o AHS ng Team Payaman ay ang pangmalakasang foodtrip na hatid ni Viy Cortez-Velasquez.
Bukod sa Team Viviys, isa rin sa mga humahatol sa mga putaheng handog ni Mrs. Velasquez ay ang asawa nitong si Cong TV, at ito ang ilan sa kanyang mga hindi matatawarang reaksyon.
Instant-cravings-sa-madaling-araw feels ang hatid ng 28-anyos vlogger na si Viy Cortez-Velasquez sa cooking serye nito sa kanyang Facebook reels.
Kamakailan lang ay nilutuan nito ang asawa at mga kasamahan ng Adobong Sitaw para sa kanilang ulam.
Ayon kayt Viy, hilig niyang magluto gamit ang mga sangkap na naiwan sa kanilang ref upang hindi ito tuluyang masira.
May halong tamis-anghang ang planong lutuin ni Viviys na kanya rin namang nakamit, dahilan upang magustuhan ito ng mister na si Lincoln Velasquez, a.k.a Cong TV.
”Hmm! Sarap nito! Sarap ng luto, pwede ka nang mag-asawa!” nakakatuwang reaksyon ni Cong.
Sunod namang sinubukan ni Viy ay ang pagbebake ng Moist Chocolate Chip Banana Loaf na kanyang ipinasilip sa isang YouTube livestream.
Ani Viy, ito ang kauna-unahang beses na nasubukan niyang mag-bake dahil na rin sa pagkahilig ng anak na si Kidlat sa tinapay.
Nang matikman ni Cong ang unang subok sa baking ng kanyang misis, walang paglagyan ang kanyang nakakatuwang reaksyon.
“Huy! Ang sarap! Ang sarap talaga! Promise! ‘Yan ang pinaka-masarap na banana [bread] na natikman ko!” komento nito.
Dagdag pa ni Cong: “Baka akala nila OA [lang ako]. Kasi kapag may niluluto ‘to [si Viy], ‘pag sakto lang, sakto lang eh. Masarap talaga ‘to!”
Sa sobrang sarap ay ipinagmalaki pa ito ni Cong TV at ipinatikim sa kanilang mga kaibigan sa Congpound.
Matapos busugin ni Viviys si Cong TV, agad itong bumawi sa kanyang misis at pinaglutuan ng kanyang cravings.
Dahil hanap ni Viy ang Curly Spaghetti, DIY-curly spaghetti ang hatid ni Cong sa asawa, na kanilang ibinahagi sa isang Facebook video.
Gumamit ng instant noodle si Cong bilang pamalit sa pasta, at kanya namang niluto ang sauce nito.
“Kailangan ‘pag nakita n’ya ‘to, masarap. Appetizing!” saad ni Cong.
“Wow, ang hitsura, nakuha mo! Ang sarap! Paano mo nagawa? Marunong ka pala magluto eh! Thank you!” pagbati naman ni Viy sa mister.
Watch the full video below:
Baby Tokyo Athena is finally here! March 30, 2025, sa ganap na 1:00 ng hapon,…
Isa ngayon ang Team Payaman vlogger na si Vien Iligan-Velasquez sa mga hinahangaan ng netizens…
The summer season is here, and you know what that means—long days under the sun,…
Kamakailan, naging matagumpay ang kauna-unahang ‘Talpukan Tournament’ ng Las Piñas Beybladers X sa Robinsons Las…
A few hours after its release in the market, Viyline Skincare Sunshade, a tinted sunscreen,…
Aside from the intense heat and sweat the summer season brings, it also sets the…
This website uses cookies.