Netizens React to Actress Sofia Andres’ Fangirling Moment Over ‘Malupiton’

Isa ngayon sa mga kinagigiliwan ng mga netizens sa mundo ng social media ay ang rising entertainment content creator na si Malupiton.

Dahil sa kanyang pagpapasaya, isang aktres ang hindi napigilang ipahayag ang kanyang pagsuporta sa tinaguriang “Bossing” ng mga manonood online. 

Fangirling Moment

Kung narinig mo na ang mga katagang “Bossing, kumusta ang buhay-buhay?” maaaring minsan nang lumabas sa inyong mga social media feed ang content creator na si Joel Ravenera, a.k.a Malupiton.

Kilala si Malupiton sa kanyang mga nakakatawang mga reels sa Facebook, TikTok, at YouTube, dahilan upang dumami ang kanyang mga manonood sa loob at labas ng bansa.

Dahil sa kanyang pagbibigay saya sa kanyang mga taga-suporta, isa ang Kapamilya actress na si Sofia Andres sa mga pumukaw ng kanyang pansin.

Sa isang Facebook post, humingi ng tulong ang aktres sa kapwa nito aktor na si Joshua Garcia na mahanap ang kanyang iniidolo.

“Mga bossing! Help me find this guy at magpapicture lang ako. Mahaba daw pila 🙏🏼🙃 send help, Joshua Garcia,” ani Sofia kaakibat ng larawan ni Malupiton.

“Help me find my crush!” dagdag pa nito sa isang Instagram Story entry.

Nang makita ito ni Joel, agad itong nagkomento at tila hindi makapaniwala sa post ng nasabing aktres.

“Ma’am, anong ginawa ko sainyo, bakit n’yo ko hinahanap?” biro nito.

The Virtual Meet-Up

Nang tuluyang makapanayam ni Sofia Andres ang grupo nina Joel, nabigyan ito ng pagkakataong makavideo-call nito ang iniidolo.

“Tapos na ang pila. Salamat bossing! 😂❤️ Malupiton Official!” ani Sofia sa isang post.

“Happy ka na, madam?” hirit ni Joel.

Samantala, sa isang pang Facebook post, nilinaw ni Sofia ang katotohanan tungkol sa kanyang pagsuporta at paghanga sa tinaguriang Bossing ng social media.

“Say whatever you want to say about me idolizing this person. I don’t mind. I can relate to him, he’s a talented human being, he’s family oriented, he’s genuine & I don’t think it’s a bad idea to support someone in the industry,” saad ng aktres.

Dagdag pa nito: “I don’t really share my fangirling moments all the time but this one is different.  Spreading love & kindness is free. Saludo ako sa mga totoong tao at nagtatrabaho at nagsisikap para sa pamilya at para sa sarili. Malupiton Official.” 

Netizens’ Reactions

Marami ang natuwa at tila hindi makapaniwala sa paghanga ng aktres kay Malupiton na s’yang umani ng samu’t-saring komento online.

Kristine Fe H. Monasterial-Tan: “Love you, Sofia Andres! Thank you for always spreading love, kindness and good vibes!”

Arlene Señal: “I love Malupiton ,he is a good son to his parents and a hard working guys”

Lhaai Dioma: “Share the love! Boss idol!” 

Yenny Certeza

Recent Posts

B1T1 ALERT: Score Major Viyline Skincare Steals and Surprise Freebies on TikTok LIVE

Prepare your carts! Ms. Viy Cortez-Velasquez is returning to TikTok LIVE to offer exclusive freebies…

5 hours ago

Vien Iligan-Velasquez Shares Team Payaman Kids’ Easter Egg Hunt Experience in Latest Vlog

Isang cute farm adventure ang ibinahagi ni Vien Iligan-Velasquez sa kanyang bagong vlog, tampok ang…

19 hours ago

Mommy Viy Cortez-Velasquez Prepare Healthy Merienda Recipe for Active Kids

Kung naghahanap ka ng perfect merienda recipe na masarap at malusog para sa mga bagets,…

2 days ago

Team Payaman’s Genggeng Proudly Flexes Newest Self-Bought Motorcycle

Isang kahanga-hangang tagumpay muli ang ibinahagi ng Team Payaman member na si Genggeng matapos i-flex…

3 days ago

Yiv Cortez Proves Students Can Travel Smart Without Breaking the Budget

Para sa mga estudyanteng may travel goals, hindi kailangang maghintay ng bakasyon o malaking budget…

3 days ago

Elevate Your Business With Professional Printing Solutions from Viyline Printing Services

Planning to level up or start your own business? If you don’t know where to…

3 days ago

This website uses cookies.